Kasal nina Juancho at Joyce tuloy, iniba lang ang venue!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

Walang choice ang engaged couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring na ilipat ng venue ang kanilang wedding dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa Tagaytay City dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Paboritong lugar ng Juanchoyce couple ang Tagaygay dahil sa naturang lugar nagsimula ang kanilang love story. Sa Tagaytay din sinagot ni Joyce si Juancho at doon din naganap ang proposal.

Kaya laking lungkot ng dalawa nang kinailangan nilang mag-change venue dahil hindi raw safe para sa kanilang mga magiging bisita ang pumunta ng Tagaytay ngayon.

Gusto rin daw nila Juancho at Joyce na maging sensitive sa mga nararamdaman ng maraming nawalan ng kabuhayan at matitirhan, lalo na yung mga nasa evacuation centers ngayon.“Na kahit na i-push through namin ‘yung wedding namin dun sa area, hindi rin naman parang okay,” sey ni Juancho.

Hindi rin daw ulit makapag-taping ang teleserye na pinagbibidahan ni Juancho na Madrasta sa Taal. Doon kasi ang location ng ilang mga eksena nila sa teleserye.

“Yung location ng clinic at hometown ni Arra San Agustin sa teleserye ay parehong nasa Taal. Hindi pa kami ulit nakakabalik doon dahil isa siya sa naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

“Pinagdarasal namin na safe sana silang lahat doon. Mababait ang mga tao sa Taal at sana ay maayos ang kalagayan nilang lahat,” pagtatapos ni Juancho.

Taylor Swift nagbawas ng trabaho, gustong bantayan ang nanay na nakikipaglaban sa breast cancer at brain tumor

May lungkot ngayon sa buhay ng multi-awarded pop singer na si Taylor Swift dahil sa sakit ng kanyang inang si Andrea Finlay.

Bukod sa pagpapagamot nito sa sakit na breast cancer, na-diagnose rin ng doktor nito na meron itong brain tumor.

Sa interview ni Taylor with Variety, ni-reveal ng singer ang pinagdadaanan ng kanyang ina ngayon.

“The symptoms of what a person goes through when they have a brain tumor is nothing like what we’ve ever been through with her cancer before. So it’s just been a really hard time for us as a family.

“Both of my parents have had cancer, and my mom is now fighting her battle with it again. It’s taught me that there are real problems and then there’s everything else. My mom’s cancer is a real problem.”

Ang sakit ng kanyang ina ang dahilan kung bakit binawasan ni Taylor ang concert dates ng kanyang Lover Concert Tour sa taong ito. Mas gusto niyang marami siyang panahon para sa kanyang ina.

“This is a year where I have to be there for my family -- there’s a lot of question marks throughout the next year, so I wanted to make sure that I could go home. I mean, we don’t know what is going to happen. We don’t know what treatment we’re going to choose. It just was the decision to make at the time, for right now, for what’s going on.

“Everyone loves their mom; everyone’s got an important mom. But for me, she’s really the guiding force. Almost every decision I make, I talk to her about it first. So obviously it was a really big deal to ever speak about her illness.”

JUANCHO TRIVINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with