Lovi hindi malaswa ang hitsura kahit kitang-kita ang singit sa pictorial
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

Grabe as in grabe ang kaseksihan ng Bench pictorial niya na pinost ni Lovi Poe sa kanyang Instagram account kahapon, huh!

Sa video post niya, naka-skimpy panty lang siya at nakasuot ng jacket na may hood.

In fairness, kahit kita na ang singit ni Lovi sa panty na ‘yon, hindi naman malaswa ang dating. Actually, ang sosyal pa rin ng singer/actress.

Nakita na kaya ng boyfriend niyang si Montgomery Blencowe ang video ng pictorial na ‘yon ng girlfriend? Nang tsinek ko kasi ang mga nag-like, hindi ko nakita ang pangalan ng British-boyfriend ni Lovi na isang Hollywood producer.

Eh, mukhang sanay na naman ang boyfriend ni Lovi sa mga ganoong posting niya dahil sobra naman talagang sexy ang singer/actress, huh!

Noong Thursday naman, nag-post si Lovi ng throwback picture nila ni Montgomery kasama ang dalawa nilang kaibigan.

Isko may time pang manood ng EB

Alam mo, Ateng Salve, sa tsikahan ng grupo namin nina Pops Fernandez, Malou Choa-Fagar, Joy Alonzo, Daddie Wowie Roxas at iba pa with Manila Mayor Isko Moreno, nasabi niya na nakakapanood siya ng Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga.

Nagulat nga si Daddie Wowie (discover-manager ni Yorme), kaya biglang nag-react at sinabing, “Sa sobrang busy mo, pinapanood mo talaga ang ‘Bawal Judgmental’?!”

“Daddie, nasa YouTube naman kasi, kapag wala akong ginagawa, nanonood ako ng mga video at gusto ko ‘yung segment na ‘yon ng ‘Eat Bulaga’,” sagot naman ni Yorme Isko at saka nagkuwento ng mga episode ng nasabing segment na napanood niya.

Naku, for sure, panonoorin din ni Yorme Isko sa YouTube kapag available na ang pagiging celebrity contestant ni Pops mamaya sa Bawal Judgmental at maaaliw din siya.

“I watched it na sa video na ipinakita sa akin ni Tita Malou, pero sana kayanin ko nga. I hope tama ang mga magi­ging sagot ko sa mga tanong,” sey ni Pops na magpo-promote mamaya sa Eat Bulaga ng Two-Gether Again concert nila ni Martin Nievera.

Ang Two-gether Again nga pala ay on February 14, 15, 17, 18, 19, 20 and 21 sa The Theater at Solaire.

Sylvia halos wala nang tulugan

Sa presscon/announcement para sa new movie project niya na Coming Home na pagsasamahan nila ni former Senator Jinggoy Estrada ay biniro ko si Sylvia Sanchez na magiging “walang tulugan” na siya dahil Tuesdays, Thursdays and Sa­turdays ang shooting nila at Mondays, Wednesdays at Fridays naman siya sa taping ng Pamilya Ko ng ABS-CBN.

Pero sabi ng aktres, makakatulog pa naman daw siya dahil sinusunod daw ng Kapamilya network ‘yung cut-off na 2:00AM.

Kahit daw sa Pamilya Ko ay may cut-off din siya.

‘’Yung Sundays ko, hanggang maaari, family day talaga ‘yon. Hindi ako tumatanggap ng commitments,” sabi ni Sylvia.

First project together nina Sylvia at Arnold Vegafria ang Coming Home.

Si Arnold ang manager ni Sylvia sa movies at endorsements.

Oo nga pala, kahit palabiro ang leading man niyang si Jinggoy, hindi na raw napipikon si Sylvia dahil sanay na nga siya sa actor/politician at noong una pa ay panay na ang biro nito sa kanya at “Bisaya” pa nga ang tawag ni Jinggoy sa kanya sa tuwing nagkikita sila.

“Ang wish ko lang sana, palagi kaming take one sa mga eksena, pero knowing Jinggoy, baka palaging mauuwi sa tawanan ang mga eksena namin,” sey pa ni Sylvia.

‘Yun na!

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with