^

Pang Movies

Naikonek sa serye… Kim emosyonal nang amining maraming asawa ang Chinese dad

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Naikonek sa serye� Kim emosyonal nang amining maraming asawa ang Chinese dad

Naging emosyonal kahapon si Kim Chiu sa presscon ng Love Thy Woman nang mapag-usapan ang kanyang pamilya. Marahil ay bihira ang nakakaalam na tulad din ng ibang Chinese family kung saan ay nag-aasawa ng marami ang isang padre de pamilya, ganito rin ang pamilya nila at inaamin naman ito ng aktres.

“In real life, I am the first family,” lahad ni Kim, “my dad also has a lot of wife, parang ganu’n. Pero ako ‘yung una. So, it’s kinda challenging for me to play the second family. Kasi sila ‘yung parang hindi masyadong pinapansin.

“Pero pinapansin sila ng Papa ko. Wow, may bubog sa Papa!” pagbibiro ni Kim sabay-tawa.

Ang Papa raw niya ay para ring si Adam Wong (portrayed by Christopher de Leon) sa Love Thy Woman.

“Eto talaga ‘yung nangyayari sa pamilya ng totoong Chinese family. Kaya nga pag tinitingnan ko, pag nag-aarte kami, sabi ko, ‘shucks, kawawa rin pala ‘yung mga anak ng Papa ko.”

Dahil daw sa Love Thy Woman ay naiintindihan na niya ang nararamdaman ng second family.

“Kasi, pag first family, parang ikaw ‘yung pinakamatapang. So, my character plays on the second family. Now I understand what are they feeling, ‘yung mga kapatid ko sa labas,” she said.

Hindi naman daw niya inililihim ang tungkol sa kanyang malaking pamilya dahil pino-post naman daw niya ito sa kanyang social media account.

“Marami naman kami, masipag ang Papa ko,” natatawa pa niyang sey. “Mapagmahal ang Papa ko, and it really happens talaga. Totoo talaga siya and accepted siya ng lahat ng wife. Pero hindi ipinapakita. But in this teleserye, you can see what really happens inside a modern Chinese family,” pahayag pa ni Chinita Princess.

When asked kung paano nabago ang tingin niya sa love dahil dito, dito na naging emosyonal si Kim.

“Growing up, lagi akong nagwa-wonder, nasaan ang Papa ko, lagi siyang nawawala. Ang dami kasi niyang pinupuntahan. Hindi kasi siya bahay, city siya. So, nililipad niya talaga ‘yun.

“Habang lumalaki, okay na ako na wala akong father figure. Pero pag may special event, nandiyan siya,” patuloy ni Kim.

Nasa honor daw siya parati nun’g elementary siya at in fairness to her father, dumarating daw ito during awarding ceremony at ito ang naga-award sa kanya.

“So, ‘yun ‘yung naging motivation ko na mag-aral akong mabuti para every time na mayroon akong award, pupunta siya. Tapos may mga birthdays. . .” ani Kim at hindi na napigilang mag-crack ang boses.

Hindi na itinuloy ng aktres ang sasabihin dahil naiiyak na siya.

“Ayoko na!” sey niyang natatawang-umiiyak.

At kaya raw iyakin siya sa Love Thy Woman dahil sobrang nakaka-relate nga siya.

Samantala, magsisimula na sa Feb. 10 ang Love Thy Woman sa Kapamilya Gold at ito ang pagbabalik-tambalan nina Kim at Xian Lim sa telebisyon pagkatapos ng The Story of Us noong 2016.

Aside from KimXi and Papa Boyet, kasama rin sa serye sina Eula Valdez, Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Yam Concepcion, Zsa Zsa Padilla at marami pang iba mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Andoy Ranay at Jerry Lopez Sineneng.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with