Angel transparent sa mga natanggap na donasyon
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

Magkaiba sina Luis Manzano at Neil Arce pagdating sa pagpo-post ng dini-distribute nilang relief goods sa mga nabiktima ng Taal volcano eruption.

Sabi ni Luis: “hindi lahat ng tulong kelangan makita, kung gusto mo ipakita- very good, kung ayaw mo ipakita-very good din.”

Heto naman ang paniwala ni Neil: “I love how people say you don’t have to post Charity work on social media. FYI you don’t have to post your food, your car, your view, your face, your relationship, your thoughts. Some people post to inspire others to help. Stop the hate just Help!!!”

Si Angel Locsin, hindi lang pinost ang pagpa-pack at pagdi-distribute nila ng relief goods, naka-itemized din lahat ang donation ng donors at name ng donors para raw transparent at walang magtatanong.

Pati donation ng aktres na sabi umabot ng P1.5-M ay nakasulat din sa report ni Angel, hindi lang masyadong pinansin dahil ang real name niyang Angelica Colmenares ang nakasulat at hindi ang screen name niya.

Solenn, ayaw pa ring ipakita ang mukha ng anak

Unique na nga ang pangalang Thylane Katana na pangalan ng baby nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, unique pa rin ang napiling nickname ng mag-asawa sa kanilang baby. Sa post ni Solenn, “Tili” ang nickname ng baby girl at nabanggit niya ito sa pinost na video ng baby room ng anak.

Ang ganda ng baby room ni Tili at ang blanket ng baby ay designed by her sister at ang rugs naman ay sarili niyang disenyo. Pati si Judy Ann Santos, napa-comment ng “Paka ganda naman!!!”  at may tumawag sa kanya na “superwoman.”

Ang inaabangan ng followers nina Solenn at Nico ay kung kailan nila ipapakita ang mukha ng baby nila. Sa ngayon, laging may nakatakip sa mukha ni Baby Tili at kung walang takip, nakatagilid naman o kaya’y nakatalikod. Ang napansin lang namin, walang namba-bash kay Solenn, pero sa ibang celebrity moms na ayaw ipakita ang mukha ng babies nila, naba-bash at nagagalit ang netizens.

ANGEL LOCSIN LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with