BTS pinoy fans ‘di raw kayang magbayad ng P50K na concert ticket
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

Confirmed na hindi kasama ang Pilipinas sa naka-schedule na world tour ng phenomenal Korean boy band na BTS.

Sad pero, laglag nga ang bansa sa mga pupuntahan nila sa BTS’ Map of the Soul tour na mag-uumpisa sa April sa Seoul.

Iikot daw sila sa ilang bansa sa Amerika, Europe and Asia mula April until September. At ayon sa online reports, kasama ang Japan sa pupuntahan nila sa Asia.

Nauna nang sinabi ng isang Pinoy concert producer na impossible nga for them na i-produce ang BTS sa Manila concert dahil sa sobrang mahal ng talent fee nito.

Hindi raw keri ang TF ng grupo ng concert producer. Ayon sa isang promoter, nag-compute na sila at lumabas na P50,000 each dapat ang ticket price ng manonood na hindi kakayanin ng maraming Pinoy fans ng K-pop.

Base sa computation nila, hanggang P15,000 lang ang advisable sa Pinoy fans na baliw na baliw sa BTS.

Ang kaya lang daw magbayad ng 50k ay ang mga artistang super fan ng grupo.

Ang BTS ang pinakasikat na K-pop group worldwide.

Ka-level na rin ng BTS si Justin Beiber sa listahan ng triple-digit weeks sa Billboard’s Social 50 chart kung saan ayon sa story ng Billboard ay nanguna ang kanta ng K-pop superstar ng 100 weeks.

 Kasama naman sina Liza Soberano, Arci Munoz sa super fans ng BTS.

Fan meeting ng Hotel De Luna actor, kanselado

Owww cancelled ang Manila fan meeting ng Korean actor na si Yeo Jin-Goo dahil diumano sa Taal Volcano eruption.

Sa February 1 sana magaganap ang nasabing fan meeting ng isa sa mga bida ng pinalalabas na K drama sa ABS-CBN na Hotel de Luna.

BTS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with