Gerald
Gerald umaming hindi lang siya ang may kasalanan sa nangyari sa kanila ni Bea?!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

Halatang ininda ni Gerald Anderson ang panghuhusga sa kanya ng mga tao sa kasagsagan ng break-up nila ni Bea Alonzo.

Napag-usapan kasi ito during his interview with Magandang Buhay at bagama’t wala namang partikular na tao na binabanggit, madali namang mahulaan na ang break-up nila ni Bea ang kanilang pinag-uusapan.

Ayon kay Gerald, during those times na may pinagdadaanan siya sa kanyang relasyon ay hiningi raw niya ang tulong ng mga co-stars ng kanyang serye sa ABS-CBN na that time ay sinisimulan na nilang i-shoot.

Pero that time ay hindi raw niya sinabi na expe­rience niya mismo ang ikinukwento niya at ang sinabi niya ay kaibigan daw niya.

Nakagaan naman daw sa pakiramdam niya ang pag-o-open up especially nang maka-relate ang mga kaibigan at sinabihan siyang normal naman daw ‘yung pinagdadaanan niya.

That time ay dumaan din sa matinding panghuhusga si Gerald mula sa publiko at aniya, siguro raw ay hindi niya ‘yun malalampasan kung hindi dahil sa mga kasamahan niya sa serye dahil talaga raw para silang pamilya na magkakasamang kumain, lalo na kapag nasa kampo or di kaya ay naglalaro sila ng basketball.

“I think, Papa God gives you the challenges at the right time in your life,” sey pa niya.

Aminado naman ang aktor na may pagkakamali rin siya talaga at hanggang ngayon daw ay may mga gabi pa ring naiisip niya kung ano pa ba ang dapat niyang ginawa noon.

“And then, habang tumatagal, do’n ko po na-realize na there’s always two versions talaga, eh at iba ‘yung perspective ng bawat tao sa relationship. It takes two to tango,” he said.

Idiniin din ng aktor na hindi lang isang tao ang may kasalanan kapag nag-fail ang isang relasyon.

“But I also accepted na a relationship doesn’t fail because of one person. It really takes two. Kasi kayong dalawa ang nandu’n,” sey ni Gerald.

‘Yun na! Are you reading, Bea?

Kate pumiyok sa ‘relasyon’ sa anak ni Pacman

Nakatsikahan namin si Kate Valdez sa presscon ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday at masayang-masaya ang aktres na pinagkatiwalaan siya ng ganito kalaking role ng GMA 7.

Nang una pa lang daw na sabihin sa kanya na makakasama niya si Barbie Forteza ay sobrang na-excite na siya dahil first time niyang makakatrabaho ang kapwa-Kapuso actress. But at the same time ay kinabahan din daw siya dahil siyempre, Barbie Forteza na raw ito.

Matagal na raw niyang gustong makatrabaho si Barbie kaya naman, sobrang blessing daw para sa kanya ang project na ito.

At ngayong nagkasama na sila, napatunayan niyang kung ano raw ‘yung nakikita natin kay Barbie sa camera na sobrang lively, bubbly, kalog, ganu’n din daw ito sa totoong buhay.

Bago nga sila mag-taping ay nag-fami­lia­rity workshop daw sila at doon pa lang ay nag-jibe na agad ang personalities nila.

Ginagampanan nina Barbie at Kate ang role na half-sisters na magiging mag-best friends.

Samantala, nilinaw din namin kay Kate ang natsitsismis na pagkakamabutihan nila ng anak ni Manny Pacquiao na si Michael. Spotted kasi ang aktres na dumalo sa birthday party ng binata last December at dito na nga sila nagsimulang ma-link.

“Friends lang kami,” natatawa niyang sabi.

Last year lang daw sila nagsimulang maging friends at sa pamamagitan ng social media lang. Nag-react daw si Michael sa isang post niya at du’n na nagsimula. Inimbita raw siya nito sa 18th birthday nito noong Disyembre nga.

Pero wala naman daw something special na namamagitan sa kanila and NBSB (no boyfriend since birth) pa rin daw siya.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with