Nadine
James at Nadine may kakaibang dahilan ang break up
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

Mabilis na inabsuwelto ni Nadine Lustre ang kaibigan niyang si Issa Pressman, bilang siyang dahilan ng split nila ni James Reid, kung totoo man iyon. Ibig sabihin, kahit na may mga lumabas pang videos na naghahalikan sina James at Issa habang nakatalikod lang si Nadine, ok lang iyon. Siguro ang paniwala ni Nadine iyon ay isa lamang friendly kiss.

Sa mga kabataan ngayon, iyang paghahalikan ng mga magkakaibigan ay normal na lang. Hindi na iyan isang malaking issue. Nagagawa nga nila kahit na sa publiko eh, doon pa ba sa mga private gatherings pa nila?

May isa naman kaming source na iginigiit na maniwala na raw kaming talagang “wala na” sina James at Nadine, at “mayroong mabigat na dahilan” kung bakit nangyari. Sabi niya matagal na raw nagtitiis si Nadine pero sumabog na rin kaya umayaw na. Kung paniniwalaan namin ang mga sinasabi niyang dahilan, masyado na iyong personal at matindi talaga.

Pero ang sinasabi nga namin, kung totoong ang ganoong sitwasyon ay natanggap ni Nadine noong una dahil inlove siya kay James, ano ang dahilan para hindi niya matanggap ulit ang kahit na pareho ring sitwasyon? At papaano kung sabihing binago na iyon ni James? Eh di magbabalikan din iyang dalawang iyan.

Kaya ayaw naming diretsahin ang pagtalakay diyan sa issue na iyan, lahat ay uncertain. Hindi mo masasabing talagang tapos na, “kahit na 2020 na”.

Kasi kung iyan totoong hindi na magbabalikan, tiyak iyon lumabas na ang tunay na dahilan ng split, pero iyong sasabihin mo na “magkaibigan pa rin kami at magtutulungan sa projects lalo na sa music” aba eh malabo iyon.

Iza mapagpatol

Ewan naman iyang si Iza Calzado kung bakit pumatol-patol pa doon sa issue ng JaDine break up. Bina-bash daw siya dahil ang akala noong iba ay siya iyong Issa na tinutukoy na dahilan ng split. Aba eh napakatanga naman noong magsasabi noon dahil lumabas nga ang mga pictures at pati video ni James at noong tinutukoy nilang Issa. Si Issa Pressman iyon, hindi naman Iza Calzado. Ang laki naman ng agwat ng edad nilang dalawa.

Iyong mga ganoong bagay, ipagpalagay man nating may nagkamali, bakit mo naman papatulan pa eh wala ka naman talagang kinalaman, unless gusto mo ring makihalo sa issue at mapag-usapan. Kung hindi niya sinabi iyon, sino ba ang makakaalam na naba-bash siya?

GF na sinustentuhan ng BF na parang sugar daddy, nakipag-relasyon sa iba pati sa tibo

May isang leksiyon sa buhay na gusto kong sabihin Tita Salve. Halimbawa, nagkaroon ako ng girlfriend, na sinusustentuhan ko sukdulang magmukha na akong sugar daddy. Tapos malalaman ko na ang babae palang iyan ay “suma-sideline” pa bilang date hindi lang ng ibang lalaki kung hindi maging ng mga tomboy din. Alam mo ba kung ano ang gagawin ko Tita Salve?

Talagang iisplitan ko na agad iyan dahil kung hindi baka masampal ko pa iyan. Isipin mo, patung-patong na panloloko na ang ginagawa sa iyo titiisin mo pa ba?

Iyan ang mga bagay na kailangang matutuhan para hindi nagmumukhang tanga.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with