Aga
Aga bagong box-office king?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

Nasilat kay Alden?

Guess Salve A., kung sino ang kokoranahang box-office king sa darating na Guillermo Mendoza Box-Office Awards na gaganapin sa March 15 sa Newport Theater Resorts World?

Well, ayon kay Mae Esguerra who is with awards-giving body, si Aga Muhlach daw.

Obviously, Aga’s victory is based sa kinita ng pelikula niyang Miracle In Cell No. 7, which officially was proclaimed as top grosser sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2019.

The film which Aga co-produced with Viva Films, is still showing in theaters.

Aga, likewise, according pa rin kay Mae Esguerra, will be awarded too a trophy as 2019 Film Actor of the Year, together with Alden Richards.

Alden’s movie, Hello, Love, Goodbye, with Kathryn Bernardo, produced by Star Cinema and directed by Cathy Garcia-Molina, is adjudged as the all-time box-office hit na pelikula in local showbiz.

Kaya naman, proclaimed si Kathryn as local film’s box-office queen.

Luis at Alex magkasama nang magho-host

Sina Luis Manzano and Alex Gonzaga ang magi­ging hosts ng The Voice Kids Ph. This is the first time that Luis and Alex are co-hosting a show.

They are together sa show na I Can See Your Voice kung saan ay si Luis lang ang host.

Tuwing Sabado naman ay napapanood siya sa Home Sweetie Home: Extra Sweet kung saan naman nakakasama niya ang kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Luis and Alex will soon officially become magkababayan, dahil taga-Batangas din ang kanyang fiancé na si Mikee Morada na isang Lipa Councilor.

Ang nanay naman ni Luis na si Vilma Santos-Recto ay lone Representative ng Lipa City.

Samantala, ang mga judge sa The Voice Kids Ph. ay sina Lea Salonga, Sarah Geronimo at Bamboo Mañalac.

Annabelle nagpa-litson

Tapos nang kumain sina Mother Lily Monteverde, Annabelle Rama at Jun Lalin, nang dumating kami sa Music 21 sa Timog Avenue, Quezon City, ang venue ng birthday event ni Ian Fariñas, ang entertainment media colleague namin ni Salve A., bukod pa rito ay siya rin ang president ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) at entertainment editor ng People’s Tonight.

Annabelle’s gift to Ian was a whole bunch of litson, which she ordered pa raw from Cebu City. Huwag na nating itanong kung anong gift ni Mother Lily. Si Jun naman ay may dalang malaking supot na may kung ilang patong ng box ng donuts.

We chose to sit in another corner ng very intimate room where the gathering was held.

Sa tabi namin umupo si Atty. Joji Alonzo, na engaged na rin sa pagpo-produce ng pelikula at pagdidirek. She is too, the mother of lawyer-actor Nico Antonio.

Bulong sa amin ni Atty. Joji, ‘di siya magtatagal dahil tatakbo pa siya sa wake ng isang fellow lawyer na kaibigan, who died of cancer.

Later nagdatingan ang ilan pang members ng entertainment press, na karamihan ay members din ng SPEED. Pero hanggang sa umalis kami, mga about 10 in the evening, wala pang artistang dumarating.

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with