GGV ni Vice handa na ang kapalit?!
Vice
GGV ni Vice handa na ang kapalit?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

Ang sagot na “sabi” ng kaibigan naming nagtatrabaho sa ABS-CBN nang aming usisain kung totoong mawawala na ang show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice at papalitan ng ibang show. Naririnig na rin daw niya ang balita, pero walang kumpirmasyon.

Ang naalala namin, kasama sa omnibus plugging ng new shows ng ABS-CBN ang Everybody Sing! na isang game show. Ito na ba ang ipapalit ng network sa GGV ni Vice ?

Sabagay, kahit naman yata anong show ang gawin ni Vice, papatok. Ang hindi lang nasabi ay kung original concept ang Everybody Sing! o franchise rin.

Aso nina James at Nadine pinoproblema rin ng fans!

Nakakatuwa ang JaDine fans dahil pati ang Corgi dog na si Calcifer nina James Reid at Nadine Lustre ay pinoproblema nila. Sino raw ang mag-aalaga sa aso sa paghihiwalay ng kanyang parents? May nag-comment na dapat sa mommy niya si Cal dahil bata pa siya at hihiramin na lang ni James.

Oo nga naman, conjugal property nina James at Nadine si Cal na ang nalaman namin, binili ni James dahil gusto ni Nadine ng dog at dapat, Corgi ang breed. Eh, hiwalay na ang dalawa, nasaan na si Cal?

Sumaya ang mga naghahanap kay Cal sa nag-comment na nakita niya ang aso sa condo ni Nadine at ibig sabihin, isinama ni Nadine ang aso. Sabagay, sa kanya na ‘yun dahil ibinigay ni James.

Speaking of Nadine, nakiusap ito na itigil na ang paniniwala at pagkokonek sa break-up nila ni James ang pagpo-post niya ng lyrics ng isang song ni Taylor Swift. 

“Can u all please stop. You’re blowing things out of proportion. These assumptions need to STOP.”

Anak ni Dennis da Silva never dumalaw sa kulungan ng ama

Tama ang narinig naming sinabi ng Kapuso actress na si Faith da Silva sa presscon ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na hindi niya binibisita sa jail ang amang si Dennis da Silva. Wala rin silang komunikasyon at walang koneksyon, kaya hindi niya alam ang gagawin kung magkikita sila.

Two years old pa lang si Faith nang makulong si Dennis na 15 years nang nakabilanggo at sa loob ng panahong ‘yun, hindi bumisita sa kanya si Faith. Mahal ni Faith ang ama at nagpapasalamat sa apelyido nito, pero ang nakakalungkot, wala silang koneksyon dahil na rin ang mommy niya ang nagpalaki sa kanya.

Anyway, nagpapasalamat si Faith na lagi siyang may project sa GMA-7 at ngayon nga, kasama sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday bilang si Agatha, ang spoiled brat daughter ni Dorcas (Teresa Loyzaga). Kontrabida role na naman ito which she doesn’t mind.

“Kung mabibigyan ng chance, gusto ko ring magbida at ang dream role ko ay Marimar, isang island girl, pero palaban,” sabi ni Faith.

Sa Monday na, January 27, pagkatapos ng 24 Oras magsisimulang mapanood ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday  sa direction ni Mark Sicat dela Cruz.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with