Yassi at Nadin
Wa care sa hiwalayan Yassi at Nadine nag-bonding
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 23, 2020 - 12:00am

Nag-bonding ang magkaibigang Nadine Lustre and Yassi Pressman.

Tinapos na rin agad ni Nadine ang issue kina James Reid and Issa Pressman.

Kahapon ay nag- “Love u both @yassipressman@pressmanissa” siya sa magkapatid sa post ni Yassi bilang pagtatanggol kay Issa na winasak-wasak sa social media matapos diumanong maging dahilan ng hiwalayan ng JaDine. Eh hindi naman pala. Hindi nga kasi nakatiis si Yassi sa ginawa sa kanyang kapatid na nilandi raw si James, “Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.

“This was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements.

“Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then.... they started getting out of hand, at di na yun tama..

“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay.

“Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media.  They’re not always the truth.

“Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information.

#thinkbeforeyouclick. We’re all okay. Sana po kayo din. Let’s respect everyone,” post ni Yassi gamit ang bonding photo nila ni Nadine over pizza and wine.

Meron pang note si Yassi na “If you can tattoo on your body ALL the words you say online, would you be PROUD?”

Kung anu-ano na ngang bintang ang natanggap ni Issa na biglang naging maingay ang pangalan dahil sa break up ng JaDine na nauna nang umaming bisexual.

Anyway, noon pa friends sina Nadine at Yassi dahil sabay nagkaroon ng launching ang career nila sa pelikulang Ang Diary Ng Panget noong 2014 – na idea ni Boss Vic del Rosario. Ayaw namang mag-react ni Boss Vic sa sinasabing hiwalayan na pinagdududahan naman ng iba.

Pero naalala kong si Boss Vic ang unang nakaisip na gawing loveteam ang JaDine at gawan ng pelikula kahit ang daming kontra dahil mga wala na raw pag-asa ang dalawa noon dahil that time wala namang mga career ang mga ito na kahit ang tagal na nilang nagso-showbiz wala namang nangyayari.

Pero talagang pinanindigan ni Boss Vic at true enough, pumatok at sumikat ang JaDine pati si Yassi.

NADINE LUSTRE YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with