Yam
Yam hindi nabiktima ng LDR!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 23, 2020 - 12:00am

Hindi nagwu-work sa maraming couples ang LDR (o long distance relationship) pero hindi sa kaso ng magkasintahang Yam Concepcion at Miguel CuUnjieng na naka-base sa New York, USA kung saan naroon ang kanyang trabaho.

Kapag may libreng oras ang dalawa ay gu­magawa sila ng paraan na magkita at pinaka-recent ay ang kanilang bakasyon sa Hawaii.

Suportado ng non-showbiz boyfriend ni Yam ang kanyang showbiz career at alam ni Miguel kung gaano ito kahalaga sa actress.

Lumutang ang husay ni Yam bilang actress nang gampanan nito ang papel ni Jade sa nagtapos na hit primetime TV series na Halik na pinagsamahan nila nina Jericho Rosales, Sam Milby at Yen Santos.

Malapit na ring mapanood si Yam sa isang bagong teleserye, ang balik-tambalan sa telebisyon ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim sa Love Thy Woman.  Pero bago ito ay palabas ngayon sa mga sinehan ang launching movie ni Yam, ang horror movie na Night Shift mula sa panulat at direksiyon ng kilalang horror director na si Yam Laranas, ang director sa likod ng hit horror movie ni Anne Curtis nung 2018 Metro Manila Film Festival na Aurora maging ang The Roas in 2011 at ang Sigaw in 2004 na siyang nagbigay sa kanya ng Special Awards mula sa Brussels International Festival of Fantasy Films (BIFFF).

James at Nadine nagkasakalan?!

Magsalita kaya ang model-vlogger na si Issa Pressman, sister ng actress na si Yassi Pressman na siyang pinagbibintangang ‘third party’ umano sa break-up nina James Reid at Nadine Lustre?

Galit na galit ang JaDine fans kay Issa at sa kanya ibinubuhos ang sisi sa paghihiwalay ng kanilang mga idolo.

Samantala, ngayong kumpirmado na ang break-up nina James at Nadine, matatagalan pa siguro na muling magkasama sa isang proyekto ang dalawa lalo pa’t naiwan sa pamamahala ng Viva si Nadine habang nagsarili naman si James.

Dapat sana’y may reunion movie project sina James at Nadine last year bilang follow-up sa kanilang 2018 hit movie na Never Not Love You na dinirek ni Antoinette Jadaone under Viva Films at kung saan nakapag-uwi ng tatlong Best Actress trophies si Nadine mula sa iba’t ibang award giving bodies.  Ito ay ang local adaptation ng 2011 hit movie na Spellbound pero ang proyekto ay napunta kina Bela Padilla at Marco Gumabao na pinamamahalaan ni Thop Nazareno.

Umatras si James sa Pedro Penduko project na napunta kay Matteo Guidicelli at umatras din si Nadine sa hit Metro Manila Film Festival movie na Miracle in Cell No. 7 na sinalo naman ni Bela Padilla.

Kumbaga, dalawang movie projects na para sana kay Nadine ang napunta kay Bela.

May suspetsa ang marami na may kinalaman sa kanilang respective careers ang main factor kung bakit nagkahiwalay sina James at Nadine. Nariyan din ang factor na nagkakasakalan na ang dalawa dahil sa maaga nilang pagsasama sa iisang bubong at kailangan nila ng space ngayon.

YAM CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with