Anak Ni Waray⦠ng GMA iniba ang kuwento sa pelikula!
Anak Ni Waray… ng GMA iniba ang kuwento sa pelikula!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 23, 2020 - 12:00am

Drama pala at hindi all out comedy ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, ang primetime television show ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, January 27.

Starring sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ang original Regal babies na sina Snooky Serna at Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Jay Manalo at ang aking favorite, ang respected veteran actress na si Manay Celia Rodriguez.

Pelikula ng Regal Films noong 1984 ang Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday at certified blockbuster ito.

Sina Snooky, Maricel Soriano, Nida Blanca at Gloria Romero sa pelikula na mula sa direksyon ni Maryo J.Delos Reyes.

Si Mark Sicat Dela Cruz ang direktor ng television version ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday at siya ang nagsabi na magkaiba ang kuwento ng movie at television version.

Nakakaloka ang sinabi ni Mark sa mga reporter na nag-attend ng presscon ng Anak ni Waray... na kapapanganak pa lamang niya nang ipalabas noon sa mga sinehan ang Anak Ni Waray  movie.

May special participation sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sina Lovi Poe at Max Collins.

Si Lovi ang young Dina (as Biday) at si Max ang young Snooky (Waray).

Supposedly, si Dina ang gaganap na Waray na bagay sa kanya dahil sa kanyang mataray na image pero nakipagpalit siya ng role kay Snooky.

Ilocano ang asawa ni Dina na si Congressman DV Savellano ng Ilocos Sur at ito raw ang nag-suggest na piliin niya ang role ni Biday bilang adopted daughter siya ng Ilocos Sur.

Thankful and grateful si Dina sa GMA-7 dahil pinagbigyan ang request niya na magpalit sila ni Snooky ng mga karakter.

Gloria sa mismong bahay nagte-taping para hindi mapagod

Sayang dahil hindi kasama sa cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday si Gloria Romero.

Maganda sana na panoorin sa telebisyon ang reunion nina Snooky at Tita Glo na gumanap na mag-ina sa 1984 movie ng Regal Films.

Pero alam nating lahat na nagpapalakas pa si Tita Glo kaya limitado ang kanyang paglabas sa TV. Para nga hindi mapagod, sa bahay niya sa New Manila, Quezon City ang taping ng kanyang mga eksena para sa Daig Kayo ng Lola Ko.

But who knows? Puwedeng magkaroon si Tita Glo ng special participation sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kapag malakas na malakas na siya at puwede nang dumayo sa set ng upcoming primetime television series ng GMA-7.

Pag-i-split nina James at Nadine mainit NA pinag-uusapan

Ang break up nina James Reid at Nadine Lustre ang biggest showbiz news for the month of January 2020.

Talagang pinag-uusapan at maingay ang kanilang paghihiwalay na hindi matanggap ng avid fans nila.

Maliban sa official joint statement nina James at Nadine na binasa ni Boy Abunda sa talk show nito, wala akong nabasa na nagsalita ang ex-couple tungkol sa kanilang pinagpipistahan na paghihiwalay.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with