Julia kinukumpara kay Issa, pinalulubayan rin kina Joshua at Janella
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

Pinapa-trending ng fans ni Julia Barretto ang #LeaveJuliaBarrettoAlone

Ito ay matapos ikonek ang pangalan niya sa isyung hiwalayan nina James Reid and Nadine Lustre.

“Use our hashtag #LeaveJuliaBarrettoAlone Julia has nothing to do with this issue but people keep dragging her name. Can you pls stop? Enough na sa clout na natamasa niyo nung 2019,” tweet ng isa niyang fan.

“Break up ng Jadine pero damay pa din si Julia? Srsly people!!!! Can’t get enough of her? #LeaveJuliaBarrettoAlone,” sabi pa ng isang netizen.

Sinasabing para lang siyang si Issa Pressman na nang-ghosting kay Nadine si James.

Magkaiba raw ang kaso nina Issa at Julia. Dahil si Issa may photo with James eh si Julia at Gerald Anderson daw walang ebidensiya sabi nila.

Bukod kasi dito inaapela ng fans ni Julia na ‘wag nang kaladkarin ang pangalan ng idolo nila kina Joshua Garcia and Janella Salvador na kung kelan natapos ang The Killer Bride ay saka naman sinasabing may nangyayari sa kanila.

Heart panay ang rampa sa Paris fashion week

Back to Paris Fashion Week si Heart Evangelista.

At ang nag-invite sa kanya, ang super luxury brand na Channel base sa mga pino-post niya sa kanyang social media accounts.

Ka rubbing shoulders niya ang European designers. “Paris Fashion Week is off to a great start. On the way to the @chanelofficial high jewelry gala,” isa sa caption ni Heart sa kanyang IG post.

Jinggoy nakatapos na ng pelikula

Umaasa si former Senator Jinggoy Estrada na makakasali sa gaganaping 1st Summer Metro Manila Film Festival ang comeback movie niyang Coming Home na isang family drama.

Kasama sa pelikula ng former politician sina Sylvia Sanchez, Ariella Arida, Edgar Allan Guzman, Jake Ejercito, Martin del Rosario, Shaira Diaz, Vin Abrenica, Julian Estrada, Janna Agoncillo, Smokey Manaloto, Samantha Lopez, Almira Muhlach, Luis Hontiveros, Chanel Morales, Joko Diaz, and Geneva Cruz.

Line-produced ang Home Coming ng ALV Films and produced by Maverich Films, directed by Adolf Alix, Jr. with screenplay by Gina Marissa Tagasa.

Tahimik lang si Sen. Jinggoy pero nakatapos na pala siya ng pelikula.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with