Baron
Baron, tatay na uli
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

Wow Salve A., brand new dad na si Baron Geisler, whose wife, a psychologist, gave birth to a baby girl recently.

Sayang at hindi pa nagkakaroon ng bagong assignment si Baron after ng stint niya sa FPJ’s Ang Probinsyano where he shared several exciting scenes kay Coco Martin.

Now based in Cebu, Baron reportedly has a thriving business there.

Well, congrats Baron, at sa iyong asawa.

Michael de Mesa, napabilib kay Mikhail Red

Sa set ng pelikulang Night Shift ni Yam Concepcion, which opened in theaters nationwide beginning today, relax lang si Michael de Mesa while waiting for the go signal from Direk Mikhail Red para sa kanyang mga eksena.

Michael plays a pathologist sa nasabing pelikula at si Yam ang kanyang assistant.

Maiksi lamang ang role niya rito, pero ayon kay Direk Mikhail, it helps to intensify the horror he wanted to create sa movie.

Like Direk Mikhail, Michael is a director too bukod sa pagiging magaling na aktor.

Sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, hindi lang siya doon basta cast, isa rin siya sa mga direktor doon kung saan katuwang din niya si Coco Martin na mismong bida sa palabas.

In the coming days, umaasa si Michael na makakagawa rin siya ng horror movie o TV show katulad ni Direk Mikhail.

“May kakaibang challenge ang pagdirek ng horror project based sa observation ko habang dinidirek ni Direk Mikhail ang Night Shift, at iyan ang gusto kong maramdamang challenge,” susog pa ni Michael.

Mga bayan sa Batangas mas kailangan ng tulong pagkatapos ng pag-aalsa ng bulkang Taal

Sana, like Mayor Isko Moreno at Dra. Vicki Belo, money na lamang ang i-donate ng mga donor sa Philippine National Red Cross (PNRC), in preparation sa pag-rehab ng mga bayan sa Batangas na lubos na apektado ng Taal Volcano eruption.

As it is, mukhang ayos naman na ang tulong in kind na natatanggap ng mga bakwit.

Let’s prepare for the next step when and if Taal rage is over.

Let’s pray, not just hope, na isang bago at more improve Laurel, Agoncillo, Lemery at Taal City mismo ang makita natin sa mga darating na araw.

Anne gustong maging natural ang panganganak

How nice naman Salve A., of Jasmine Curtis Smith to reportedly take time from her busy schedule, once her elder sister, Anne Curtis will give birth.

Jasmine wants to be around daw ‘pag nangyari ito.

As much as possible raw ay gustong manganak ni Anne sa natural way like her sister-in-law na si Solenn Heussaff na nauna nang nanganak sa kanya.

Anne hopes to breastfeed her baby, kaya matatagalan pa bago siya muling mapanood sa It’s Showtime kasama sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Karylle, Vhong Navarro at Ryan Bang.

By the way, si Mariel kaya, kailan kaya natin siya uli mapapanood? Hindi pa ba siya binibigyan ng go signal ni Robin Padilla na magtrabaho na?

Mariel gave birth sa second daughter nilang si Gabriela last November 16. Ang panganay niya ay si Isabella na ipinanganak din sa U.S.

Personal…

Happy birthday to our dear friend, an entertainment media colleague, Ian Fariñas, who marked her birthday recently.

Ian is now on her second term as SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors). She is an entertainment editor too sa People’s Tonight. (Happy birthday Madam President Ian. Love love always. – Salve)

BARON GEISLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with