^

Pang Movies

Issa Pressman nasa Amsterdam!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Issa Pressman nasa Amsterdam!
Issa

Sabit ang social media influencer na si Issa Pressman, kapatid ni Yassi Pressman sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre kung paniniwalaan ang posts ng ilang netizens sa Twitter.

No wonder, trending sa Twitter ang hashtag na #Issa at bugbug na bugbog siya sa ilang galit na JaDine fans. Si Issa ang umano’y dahilan kaya nag-cheat si James kay Nadine.

Eh isa sa circle of friends ni Nadine, si Issa kaya minumura, nilalait at binanatan siya ng fans ng dalawa.

Sa totoo lang, may inilabas pang video ang netizen kung saan nakitang hinahalikan ni James si Issa habang nakatalikod si Nadine!

Contrary kasi ito sa ibinigay nina James at Nadine sa joint statement ng kumpirmasyon hiwalay na sila. Career at personal growth ang dahilan nila although friends pa rin silang dalawa.

Sa huling post ni Issa sa Instagram, nasa Amasterdam siya ngayon. Wala pa siyang inilalabas na reaksyon sa bintang ng fans ng dalawa.

Followers nina Vice at Anne puwedeng pansalba sa ABS-CBN

Pumirma lang ang social media followers nina Vice Ganda at Anne Curtis eh solved na ang lumabas na petition na one million signatures na i-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Isang milyong pirma lang ang hiling eh mahigit pa sa isang milyong ang followers nina Vice at Anne, huh!

Binisita namin ang change.org kung saan nandoon ang petisyon. Wala pang 100k na signatures ang pumirma nang itsek namin ‘yon.

Hirap na kaming pumasok sa website nang balikan namin itong muli.

Eh would it matter kung mahigit pang isang milyon ang pumirma?

vuukle comment

ISSA PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with