^

Pang Movies

Kapatid ni James dinadamay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Iilan lang Korean actors ang pina-follow ko sa Instagram account ko kaya clueless ako sa kuwento na diumano’y limited ang comments sa Instagram account ni James Reid kaya ang account daw ng kanyang kapatid na si Lauren Reid ang pinag-iinitan ng fans na hindi matanggap ang paghihiwalay nila ni Nadine Lustre.

Binabatikos pa raw si James ng JaDine fans sa IG account ni Lauren dahil siya ang sinisisi sa kanilang break up. Ipinipilit pa diumano ng fans na hindi naging loyal si James kay Nadine dahil nali-link siya sa kanilang mutual friend na si Issa Pressman.

May mga hindi naman naniniwala na totoo ang tsismis tungkol kina James at Issa dahil panay ang like ni Nadine sa mga IG post ng younger sister ni Yassi Pressman.

Ang confirmation nina Nadine at James ang big news ngayong linggong ito.

Parang Taal Volcano ang pasabog nina James at Nadine, kahit marami na ang nakakaa­lam na hiwalay na sila.

I’m sure, happy ang tatay ni James na si Malcom Reid dahil tuloy na tuloy na ang television series na pagsasamahan ng kanyang anak at ni Nancy McDonie ng Momoland.

Sa takbo ng mga pangyayari, parang buwag na ang JaDine.

Exclusive ang kontrata ni Nadine sa Viva Artists Agency at sa Viva Films. Ang kuwentong narinig eight years pa ‘yun na nangangahulugan na hindi siya puwedeng tumanggap ng mga project mula sa ibang television at movie outfit or else, breach of contract ang gagawin niya.

Yam at AiAi may labanan sa takilya

Suportahan natin ang dalawang Tagalog movies na magbubukas ngayon sa mga sinehan, ang Night Shift ng Viva Films at ang D’Ninang ng Regal Entertainment Inc.

Magkaiba ang genre ng Night Shift na horror movie at ng D’Ninang na comedy.

Modern day Robinhood ang role ni AiAi Delas Alas sa D’Ninang at ayon sa mga dumalo sa premiere night noong Lunes, kakaiba ang D’Ninang sa mga comedy movie na ginawa ni AiAi noong nakaraang taon.

Si Yam Concepcion naman ang lead actress sa Night Shift.

vuukle comment

LAUREN REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with