Christian at misis sa honeymoon lang nagkasama ng matagal
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

Nagpapasalamat si Christian Bautista na dumating na sila sa bansa ng kanyang misis na si Kat Ramnani from their honeymoon in South Africa bago pa man sumabog ang Taal Volcano noong January 12.

Umaga raw ng January 12 sila dumating at kung nataon na afternoon ang flight nila, malamang ay baka ma-delay ang pagbalik nila ng Pilipinas dahil kanselado lahat ng incoming ang outgoing flights.

Okey naman daw ang bahay nila Christian sa Imus, Cavite. Hindi raw ito masyadong naapektuhan ng matinding ashfall.

“Konting walis-walis lang naman. Imus is not as affected like what happened in Batangas, Laguna or other cities in Cavite. But we are doing our part sa relief operations. Gusto rin naming makatulong in the best way we can,” diin ng singer.

December 25, 2019 nang lumipad si Christian at Kat para sa kanilang long-delayed honeymoon in South Africa. Naging maganda raw ang higit three weeks na magkasama sila sa ibang bansa. Binisita nila ang Cape Town, Zimbabwe and Simbavati. Mas nakilala raw niya ng husto ang kanyang misis dahil ito raw ang longest time na nagkasama sila.

Na-miss nga ni Christian ang two-weeks ng All-Out Sundays kaya natuwa ito na finally nakapag-perform na siya kasama sina Mark Bautista, Aicelle Santos, Julie Anne San Jose at ang nagbalik na si Rachelle Ann Go.

Shamcey at asawa, ang daming negosyo

Perfect team ang mag-asawang Lloyd Lee at Shamcey Supsup-Lee.

Maganda ang tandem nila pagdating sa pagkakaroon ng pamilya at sa pagtatayo ng negosyo.

Pagkatapos maging successful ng kanilang restaurant business na Pedro ‘N Coi, kakabukas lamang ng kanilang garment manufacturing business sa Binondo, Manila na Smilee Apparel.

Nasa garment business talaga ang mister ni Shamcey at ngayon ay siya na ang namamahala sa design ng kanilang mga produkto.

Wala naman daw silang pangamba na mawalan sila ng oras sa isa’t isa o kahit na sa kanilang dalawang anak.

Sey ng former beauty queen: “Kami naman ni Lloyd, we make it a point na every day is quality time for us. Lagi naman kaming magkasama sa pag-asikaso ng business. Ngayon, he’s more into the garment business in Manila at ako naman ang nag-iikot sa mga restaurant branches namin. We are always communicating naman. Like kelan ako matapos or what time kami magkita sa specific na lugar. Basta open ang communication lines namin parati.”

Biro naman ni Lloyd, mas nami-miss daw ng kanilang mga anak ang kanilang mommy kesa sa kanya.

“Mas attached ang panganay namin kay Shamcey. Tuwing tatanungin ko si Nyke if she misses daddy, she would answer, ‘No, I miss mommy, I don’t miss you!’ Natatawa na lang ako. Kaya extra effort ako to be with the kids para kahit paano ay nami-miss din nila ako.”

Celine Dion nagluluksa!

In mourning ang singer na si Céline Dion dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Thérèse Tanguay-Dion last Thursday. She was 92.

Nasa kalagitnaan ng kanyang concert sa Miami, Florida si Celine noong iparating sa kanya ang balitang pumanaw na ang kanyang ina sa Montreal, Canada.

“I’m pretty sure that you heard the news about my mom passing away early this morning. But I’m doing okay and we’re all okay,” sey ni Celine sa kanyang audience.

Bago pumanaw ang kanyang ina, nakasama pa ito ni Celine at ng kanyang mga kapatid. Sinabihan na raw sila na puwede nang bumigay ang kanilang ina dahil sa sakit nito. “So last night I joined my brothers and sisters in Montreal, and I spent the evening at her bedside. We told stories. We sang songs. We hugged each other and we said our goodbyes. We are pretty sure that mom waited for us to be all together one more time,” kuwento pa ng singer.

Ito ang pinost ni Celine sa Instagram:

“We love you so much ... We dedicate tonight’s show to you and I’ll sing to you with all my heart. Love, Celine xx... “

Last year pa raw maysakit ang ina. Nawalan na raw ito ng paningin, pandinig at alaala.

Nataon pa na pumanaw ang ina ni Celine sa 4th anniversary ng pagkamatay ng kanyang kapatid na si Daniel.

Daniel died in 2016, just two days after Céline’s husband René Angélil.

CHRISTIAN BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with