Maja naging cupid... Joshua pinagsigawang baby niya si Janella!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

Naku, ang daming kinikilig sa balitang mag-sweethearts na sina Joshua Garcia at Janella Salvador, huh!

Marami ngang “Maja Salvador” sa dalawa.

Si Maja Salvador kasi, kilig na kilig sa dalawa at panay ang tukso niya sa mga ito.

Dahil nga sa mga post ni Maja ay lalong tumindi ang duda ng mga fan na may relasyon na talaga sina Joshua at Janella. Maririnig pa ngang tinawag ni Joshua si Julia ng baby.

‘Yun nga ba ang dahilan kung bakit tuluyang dinelete na ni Julia Barretto sa kanyang Instagram accounts ang pictures ng ex-boyfriend?

Naku, affected nga ang mga fan ng JoshLia dahil sa ginawang ‘yon ni Julia. May movie pa naman silang isu-showing sa January 29.

Anyway, kahapon ay tinawagan ko si Direk Manny Valera para tanungin tungkol sa tsikang boyfriend na ng talent niyang si Janella si Joshua.

“They’re just friend,” sabi ni Direk Manny.

‘Yun daw kasi ang sinasabi sa kanya ng handler ni Janella na si Beth Rivera.

Hindi kaya inililihim din ni Janella sa kanyang management team ang real score sa kanila ni Joshua?

Well…

Kapatid ni Lovi na GF ni Young JV papasok na rin ng showbiz

“She’s out for her photo shoot right now! She just arrived from the States then slept for a bit lang. She’s so busy nowwwww, my gosh! Hahaha!”

‘Yan ang sagot sa akin ni Yeliee Moran tungkol sa ate niyang si Lovi Poe.

Papasok na rin sa showbiz si Yeliee at magko-concentrate muna siya sa singing.

Sabi ni Yeliee, gusto niyang tularan ang kanyang ate na ang sipag magtrabaho.

Yes, parehong may love life sina Yeliee at Lovi.

Si Yeliee, boyfriend si Young JV na very supportive sa kanyang singing career.

Two days nga si Young JV sa La Union kung saan kinunan ang music video ni Yeliee.

Siyempre, si Lovi, may Montgomery Blencowe, ang British guy na kilalang Hollywood producer.

Siyanga pala, tama si Yeliee nang sabihin niya na so busy ang kanyang ate.

May bagong show na sa GMA 7 si Lovi, ang Owe My Love.

No wonder, kaya naman pala sinamantala na ni Lovi ang bakasyon niya sa Los Angeles, Califiornia kamakailan dahil raratsada na naman siya ng trabaho at mahihirapan siyang “makatakas” para puntahan si Montgomery sa L.A.

Pero nagawan na ring pumunta ni Montgomery sa bansa, for sure, dadalawin nito uli si Lovi.

In fairness, marami ang natutuwa sa relasyon nina Lovi at Montgomery.

Marami ang nagsasabing bagay na bagay sila.

‘Yun na!

JANELLA SALVADOR JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with