Kaya pala… Bela hinaharangang magkaroon ng bagong boyfriend?!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

After Neil Arce ay wala pang ipinakikilala ulit na bagong boyfriend si Bela Padilla sa publiko although may mga nalili-link sa kanya. Sa presscon ng latest film niya with JC Santos na On Vodka, Beers, and Regrets kwela ang sagot ng aktres sa tanong kung choice ba niya ang maging single.

“Hindi po talaga. I think, choice po nilang lahat. Parang masaya po si boss Vic (del Rosario, Viva Films’ big boss) na single ako, kasi tanggap ako nang tanggap ng trabaho.

“So, baka ‘yung Viva na ang gumagawa ng paraan para walang manligaw sa akin,” natatawang sabi ni Bela saka sinundan ng “charot!”

Seriously ay hindi raw niya alam kung bakit single pa rin siya pero happy naman daw siya.

“Sa totoo lang, masaya po ako ng ganito kasi, ‘yun nga, nagagawa ko ‘yung. . .feeling ko, kung may boyfriend ako ngayon, ‘di hindi siya papayag na i-shoot ko ‘tong movie na ‘to, kasi ang dami naming ginawa dito na iba and mas mature,” she said.

Nasaktan pa siya sa dati niyang boyfriend kaya ayaw niya muna?

“Hindi naman po. Wala naman pong nananakit sa akin sa totoong buhay. Lahat naman, maayos.”

Si JC naman, well, as we all know ay masayang-masaya ang aktor dahil manganganak na ngayong Pebrero ang kanyang non-showbiz wife.

When asked kung may mga naging regrets na rin ba sila sa buhay nila, sagot ni Bela, “Ako, in fairness, wala naman. Pag nagmahal ako, todo-todo, so, walang regrets.”

Same with JC dahil extra baggage raw ang ganitong feelings at masyadong masakit isipin.

Ang On Vodka, Beers and Regrets ay showing na sa Feb. 5 mula sa direksyon ni Irene Villamor. Ito ang pangatlong pagtatambal nina Bela and JC at may something talaga sa tandem nila kaya laging patok ang kanilang mga pelikula which is also the reason kung bakit lagi rin silang nabibigyan ng project together.

Jeric natuwa sa fake news sa kanila ni Sheryl

Matitindi ang mga love scenes nina Sheryl Cruz and Jeric Gonzalez sa panghapong seryeng Magkaagaw kung saan ay gumaganap silang May-December lovers. Sa tindi nga ng mga eksena nila, may tsika ngayong mukhang nagkakatohanan na rin in real life ang dalawa at mukhang may namumuo na raw na “something special.”

Kelan nga lang ay napabalitang dumalaw daw si Sheryl sa rehearsal ni Jeric para sa isang show. Lalo pang lumala ang tsismis sa kanila nang mapabalitang nakipag-break na raw ang aktor sa kanyang non-showbiz girlfriend last December.

Sa panayam ng 24 Oras kay Jeric ay pinagtawanan lang ng aktor ang tsika.

“Unang-una, wala naman akong girlfriend ngayon kaya paano magkakaron ng dahilan para mag-break-up. Single ako ngayon,” he said.

Pati si Sheryl ay natatawa rin sa tsismis.

“Since December pa raw (ang kanilang relasyon ni Jeric). Sinasabi ko na lang sa sarili ko, ‘ah siguro, maganda ‘yung ratings ng show namin at popular ‘yung show namin, kaya siguro napag-uusapan kami,” ani Sheryl.

Ayon naman kay Jeric, bukod sa natawa siya sa tsismis na sila na ni Sheryl ay natuwa rin siya dahil ibig sabihin nito ay effective raw ang ginagawa nila sa serye kaya nadadala rin ang viewers sa mga eksena nila.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with