Darna umpisa na, ilalaban sa Summer Filmfest
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

Lilipad na ang bagong Darna na si Jane de Leon!

Nagpasilip ang director nito na si Jerrold Tarog sa kanyang Instagram nitong nakaraang mga araw sa set ng movie na may caption na, “Day 1.”

Pero picture ng Darna Funko Pop ang nakalagay habang nasa background ay ang set up ng camera.

Bago ang Darna, huling napanood si Jane sa special role sa The Heiress ni Maricel Soriano. Contract star din siya ng Regal Entertainment.

At least, hindi na puwedeng madiskaril ang shooting ng pelikula, huh!

Pang-Metro Manila Summer Festival kaya ito?

Matteo hinihintay maki-ride sa Tala

Nakisabay sa sikat na Tala Challenge ang internet sensation na si Dante Gulapa. Sumikat si Dante dahil sa kanyang Eagle Dance video at na-feature pa sa Magpakailanman ang kanyang life story.

Gaya ng sikat na video, nagpagiling-giling muli si Gulapa na dating macho dancer.

Pinost sa Facebook ng netizen na si Ransh Anthony Benavista na mahigit 600k ang views at 24K shares sa FB.

Kahit luma na ang kanta, artista man o hindi, nakikisabay sa challenge, kaya biglang naging surprise hit ito ng taon.

Naku, wait natin si Matteo Guidicelli kung sasabay sa Tala Challenge, huh!

Teka, anong nangyari sa flash mob ng Popsters sa fund raising nilang Tala Sa Taal?

Totoo bang konti lang ang nag-participate ayon sa report ng isang dyaryo?

JANE DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with