^

Pang Movies

Krista at mister, pinatunayang walang problema sa datung!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Krista at mister, pinatunayang walang problema sa datung!

Akala ko naman dahil may kumalat na balita tungkol kila Krista Ranillo at Niño Lim na medyo tagilid ang negosyo nila ay baka nga totoo ito.

Alam mo bang for almost five years ay nagpapadala sila Krista at Niño sa ilang friends nila ng little something pag Christmas? At appreciated naman ito dahil imagine na kahit nasa malayong USA na si Krista hindi niya nalimutan ang friends niya dito na mga showbiz writers, like Ricky, Shirley, Chit, Jojo at ako.

Iyong thoughtfulness talaga naman i-a-apreciate mo but this time na narinig ko nga iyon balitang kumalat, hindi ko expected na makukuha niya pang magpadala. Pero tumawag si Shirley na meron nga raw little something for her friends si Krista at Niño.

So ibig sabihin, hindi totoo iyon kumalat na little financial problem at ganun pa rin ka stable mga business nila Niño at Krista. So happy to know that. Thanks Niño and Krista, and be happy forever. 

Rehab na nag-aruga kay Jiro, may apela

May appeal daw sa publiko si Dr. Elizabeth Pizarro-Serrano, ang chief director ng rehabilitation center sa Bataan na mahigit isang taon na nag-aruga kay Jiro Manio.

Ang kuwentong narinig ko, kahit matagal nang lumabas si Jiro sa rehabilitation center, may communication pa rin sila ni Dr. Serrano na parang tunay na anak na raw ang turing sa kanya.

Ikinabigla pa nga raw ni Dr. Serrano ang balita na nanaksak si Jiro kaya nakakulong ito sa police station ng Marikina City.

Sa mahigit isang taon na pagsasama nga raw nila, kilalang-kilala na ni Dr. Serrano si Jiro kaya nananawagan siya sa lahat na huwag husgahan ang former child actor.

“Marami siyang na-inspire na mga kabataan whenever he gives his testimony.

“However, after more than a year, he decided na umuwi na sa pamilya niya... to start anew and maybe try showbiz again or whatever na pwede niyang gawin.

“After a few months, may tsismis nga na umabot sa rehab na nakapag-take uli siya ng marijuana.... BUT IT WAS NOT PROVEN!

“We asked people concerned about his welfare na sana ipa-drug test siya para sigurado and at the same time maagapan,” ang public appeal ni Dr. Serrano.

Willie mababawasan ang pahinga

Confirmed na magkakaroon ng Saturday edition ang Wowowin, ang top-rating game show ni Willie Revillame sa GMA 7.

Excited nga si Willie sa Wowowin primetime kahit nangangahulugan ito na nadagdagan ang araw ng kanyang trabaho.

Kaligayahan na ni Willie ang makatulong sa kapwa at siguradong madaragdagan ang kanyang mga matutulungan  sa pamamagitan ng Wowowin primetime.

vuukle comment

KRISTA RANILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with