Jasmine
Jasmine magbi-break sa trabaho para sa panganganak ni Anne!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

Inamin ni Jasmine Curtis Smith na pagkatapos niyang mag-audition bilang si Moira Defensor sa Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun, nagdasal siya na sana ay sa kanya nga mapunta ang role na iyon.

“Bago po ako nag-audition, napanood ko na ang ten episodes ng original drama series,” kuwento ni Jasmine sa pictorial ng buong cast na ginanap sa GMA Coop building. “Then pinanood ko po ulit. I know magandang vessel for acting ang role ni Moira. Kasama ko pong nagdasal si Ate (Anne Curtis) dahil mas una pa niyang napanood ang original version. Kaya nang nagti-taping na ako, kinukuwentuhan ko si Ate at ang sabi niya, ‘galingan ninyo, kayang-kaya ninyo iyan.’”

Dumaan din ba siya sa training, dahil military surgeon ang role ni Moira?

“Hindi po naman sa physical training, tinuruan lamang akong humawak ng baril. Um-attend kami ng seminar, tinuruan ng mga military medical terms. Nang nagti-taping na kami, laging may military doctor sa set para ituro ang mga dapat naming gawin.”

Kung noong una raw ay hindi pa sila close ni Jennylyn (Mercado), ngayon very close na sila sa set. “Our first time to work together at ang saya namin sa set. Hanggang sa ngayon pinapanood ko pa rin ang original version lalo na kung ang kukunan ay iyong mga iconic scenes, gusto kong makita kung ano ang ginagawa ng original character ni Moira. Faithful po kami sa script at alam ko, kaya nating gumawa ng quality teleserye tulad nila. Kaya I’m excited nang mapanood ang airing nito sa February, 2020.

“Pero gusto ko ring makauwi sa Australia sa February. February kasi magsisilang ng baby girl nila ni Erwan (Heussaff) si Ate. A baby is a blessing, kaya gusto kong makita ang magiging niece ko. Pero ito iyong time na gustung-gusto ko dahil magkakaroon ng mahabang bonding si Mama at si Ate. 

“Kapag kasi umuuwi ng Australia si Ate, hindi naman siya nagtatagal doon dahil may work din siya sa Manila. Kaya nakakatuwa na after Christmas nasa Australia na si Ate, dahil doon siya magde-deliver ng baby niya. Kahit doon siya magsilang, dual citizenship din ang magiging baby nila ni Erwan dahil umabot pa si Ate na makapag-file ng dual citizenship niya.”

Sa February 10, mapapanood na ang Descendants of the Sun, sa direksyon ni Dominic Zapata.

Mag-ex na Rachelle at Christian nag-duet

Ang gandang panoorin ang apat na international stage actors sa sama-sama nilang pagkanta ng mga Broadway song sa All-Out Sundays kahapon para sa pagbabalik ni Broadway and West End international actress-singer Rachelle Ann Go, titled Rachelle Ann Go – The Homecoming. Ito rin ang title ng Valentine concert ni Rachelle sa Marriott Hotel sa February 14.

Unang ka-duet ni Rachelle ang former boyfriend niyang si Christian Bautista, sumunod si Mark Bautista at last si Aicelle Santos, saka sama-sama silang umawit na apat. Congratulations!

JASMINE CURTIS SMITH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with