Rachelle, Martin
Rachelle hindi pa napapanood ng asawang mag-concert
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

Masayang-masaya si Rachelle Ann Go para sa kaibigang si Sarah Geronimo na malapit nang ikasal sa kanyang fiancé na si Matteo Guidicelli. Tiyak na may special participation si Rachelle Ann sa upcoming wedding nina Sarah at Matteo kapag ito’y mataon na wala siyang ongoing play.

Nagkaroon na si Rachelle Ann ng chance na maka-bonding ang kanyang mga close friends na sina Sarah, Erik Santos at Yeng Constantino.

Hindi kasama ni Rachelle Ann ang kanyang American husband na si Martin Spies sa pag-uwi niya ngayon ng Pilipinas dahil may trabaho ito sa London pero susunod umano ito before her Valentine concert para panoorin siya. Hindi pa kasi napapanood ni Martin si Rachelle Ann sa isang concert. Nakatakdang ganapin ang The Homecoming concert niya sa mismong Valentine’s Day,  Grand Ballroom ng Marriott Hotel, Resorts World Manila.

Ang mag-asawang Rachelle Ann at Martin ay nakabili na ng kanilang four-bedroom house with a garden in London kung saan sila bubuo ng kanilang sariling pamilya.

Si Martin ay dating naka-base sa New York, USA kung saan sila nagkakilala ni Rachelle Ann. Pero dahil sa trabaho ng kanyang misis bilang stage actress in London, nag-move ito ng London just to get near his wife.

Sina Rachelle Ann at Martin ay ikinasal sa Boracay nung April 18, 2018 na dinaluhan ng kanyang close friends including Sarah   at Erik.

After ng concert ni Rachelle Ann ay agad silang babalik na mag-asawa ng London para naman paghandaan ng West End star ang kanyang muling pagganap bilang Fantine sa West End re-run ng Les Miserables.

Sarah tahimik pa sa detalye ng kasal nila ni Matteo

Alam mo, Salve A., hindi na talaga mapipigilan ang patuloy pang pagbulusok sa kasikatan ng Tala song ni  Sarah Geronimo matapos itong muling sumikat sa last part ng 2019 up to now kahit four-year-old na ang kanta. Thanks to her LGBT community fans na siyang nag-upload ng kanilang respective covers ng Tala  sa social media hanggang sa ito’y maging viral at maging dance craze.

Wala ring kaabug-abog na ito’y pumasok sa Top 12 spot ng World Digital Song Sales Chart ng Billboard, ang itinuturing na bibliya ng music industry sa Amerika at Europe  maging sa iba’t ibang bansa.

Si Sarah pa lamang ang kauna-unahang Filipino artist na nakagawa nito.

Speaking of Sarah, hindi pa rin ito nagsi-share ng detalye tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Matteo, dahil gusto muna niyang harapin ang kanilang two-night back-to-back Unified concert with Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Big Dome on February 14 & 15, 2020.

Although wala pang detalye tungkol sa date at location ng kanilang kasal, excited na ang netizens, ang  publiko lalung-lalo na ang respective fans nina Sarah at Matteo.

Correction please…

Kenny Rogers pala at hindi ang KFC ang sariling franchise ng actor na si Allen Dizon sa San Fernando, Pampanga kung saan magbubukas din ang sarili niyang franchise ng Gerry’s Grill sa buwan ng Abril sa taong ito.

RACHELLE ANN GO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with