Sarah Geronimo
Tala mas sumikat sa paggamit sa pagtulong sa Taal
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

Bongga ang Popsters, ang fans ng super favorite kong si Sarah Geronimo dahil nagkaroon sila ng sariling fundraising campaign para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.

Nagtipun-tipon noong Sabado sa Quirino Grandstand ang Popsters at sama-sama sila na nagsayaw ng Tala.

One hundred pesos ang ibinayad ng mga sumali sa fund-raiser na tinawag nila na Tala Para Sa Taal. Ibibigay nila sa mga biktima ng pag-aalburoto ng Taal Volcano ang mga pera na kanilang nalikom.

Hindi man nakarating si Sarah, happy ang Popsters dahil sa maliit na paraan, makapaghahatid sila ng tulong sa Taal Volcano eruption victims.

Nakakatuwa dahil sikat na sikat ang Tala, ang kanta ni Sarah na unang sumikat noong 2016. Hanggang ngayon, palasak pa rin ang Tala Dance Challenge at Tala Dance Craze na ginagamit sa paglikom ng pera para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Pastor Quiboloy umeksena na naman

Kaloka, ipina-stop daw ni Pastor Apollo Quiboloy ang pagputok ng Taal Volcano noong January 13, isang araw matapos pumutok ang bulkan.

Si Pastor Quiboloy ang hinanap ng mga tao nang manalanta ang Taal Volcano dahil sa kanyang sinabi noong isang taon na ipina-stop niya ang lindol sa Mindanao.

Ang sabi, alam ni Pastor Quiboloy na pinagtatawanan at kinukutya siya ng mga kababayan natin dahil sa kanyang pagpapatigil sa mga kalamidad sa Pilipinas pero imbes na magpaapekto, gusto niya raw magsisi at isuko sa Diyos ang mga sarili ng mga makasalanan.

Higit sa lahat, ipinagdasal pa raw ni Pastor Quiboloy sa Diyos na pahintuin na ang pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Kung ganun, sana ay ipagdasal din ni Pastor Quiboloy na makabalik na ang mga reisdenteng naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal at makabalik na sa normal ang kani-kanilang buhay.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with