Gerald, Vin, Yves, Elmo, Nash, Jerome, at Carlo, ipapakita ang kapatiran ng mga sundalo
(Pang-masa) - January 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong magigiting na sundalo ang magpapa­malas ng matatag na kapatiran at magpapatunay na hindi hadlang ang pagkakaiba para magturingang magkadugo sa teleseryeng A Soldier’s Heart, na mapapanood simula Enero 20 (Lunes).

Matutunghayan sa A Soldier’s Heart ang matibay na samahan nina Alex (Gerald Anderson), Elmer (Vin Abrenica), Benjie (Yves Flores), Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Phil (Jerome Ponce), at Jethro (Elmo Magalona) na sama-sama nilang dadaanan ang hirap, saya, at tagumpay ng pagiging sundalo na magpapalalim sa kanilang mabubuong kapatiran.

Ngunit sa gitna ng kanilang pakikipagbakbakan, isa-isang lilitaw ang mga katotohanang taliwas sa kanilang paniniwala na siyang mag-iiwan ng mga katanungan kung dapat pa bang ipaglaban ang bayang pinaglilingkuran.

Sa kanilang laban para sa kataru­ngan, alin ang kaya nilang isakripisyo — pamilya, kapatiran, paniniwala, o sarili?

Isang napapanahong serye ang A Soldier’s Heart sa pagtalakay nito sa mga suliranin ng mga sundalo, na itinuturing na makabagong mga bayani sa pag-alay nila ng kanilang sarili upang mapagsilbihan ang mga Pilipino.

Ang serye rin ang marka ng unang pagsasama sa telebisyon ng ilan sa mga pinakamahuhusay na aktor ng kani-kanilang henerasyon na sina Gerald, Vin, Yves, Elmo, Nash, Jerome, at Carlo, na ipapamalas ang galing sa pag-arte sa primetime.

Kasama rin nila ang mga beteranong bituin na sina Ariel Rivera, Irma Adlawan, Raymond Bagatsing, Sid Lucero, Rommel Padilla, Mickey Ferriols, Nikki Valdez, at Ketchup Eusebio. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Richard Romes at panulat ni Jerry B. Gracio.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with