Gabby iwas na iwas sa problema nina Sharon at KC
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - January 19, 2020 - 12:00am

Nang makita namin si Gabby Concepcion sa lobby ng ABS-CBN, tinanong namin siya kung wala ba siyang balak ayusin ang gusot, kung mayroon man, sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Napangiti lang siya, kung mayroon man daw silang ‘di pagkakaintindihan ay away daw iyon ng mag-ina, wika niya.

Hindi naman daw tama na makisali pa siya, kaya naman daw nilang ayusin iyon at siguradong may dahilan si KC sa hindi niya pagsipot noong nakaraang birthday celebration ng Megastar na inihanda ng ABS-CBN para sa rito sa ASAP. Dumating ang lahat ng anak ni Sharon, pati ang kanyang asawang si Sen. Francis Pangilinan na game na game na nakipagbiruan at nagpapasalamat daw siya dahil patay na patay pa rin daw sa kanya si Sharon hanggang ngayon, pero no show si KC.

Sabi pa nga ni Sharon, ang alam daw niya ay lima ang anak niya, at si KC ang tinutukoy niyang pan-lima.

Ano naman kayang dahilan ng ‘di pagsipot ni KC? Hindi naman pwedeng nakalimutan niya!

Bela at JC unique ang tambalan

Napanood namin ang trailer ng bagong pelikulang pagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos, ang On Vodka, Beers And Regrets na ipapalabas na ngayong darating na February 5, 2020.

Matatandaang naging magkatambal na ang dalawa sa 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentines na pumatok din sa madla.

Ewan ba namin, pero there’s something about Bela and JC na hindi mo makikita sa mga mainstream na loveteams ngayon. Bawat bitaw ng linya nila, may kirot kang mararamdaman.

Kakaiba ang chemistry nilang dalawa at siguradong masayang-masaya ang fans nila dahil muli na naman silang bibida sa isang romatic drama movie na siguradong kukurot sa puso ng mga manonood.

Nakaka-excite naman! Perfect ito ngayong darating na Valentine’s Day para sa mga magjowa, single, iniwan, pinagpalit, ginost, at iba pa. Sabay-sabay tayong mawasak! #LamNaThis

Alex at BF na pulitiko makakapag-solo na sa biyahe

Nakakatuwa lang isipin na dati binibiro-biro lang ni Alex Gonzaga ang boyfriend niyang si Mikee Morada sa vlogs niya sa YouTube tungkol sa pagpapakasal pero ngayon totoo na! Napaka-genuine. Walang crowd, walang ingay, ganoon kasimple ang proposal ni Mikee kay Alex sa video na napanood namin na kumalat sa Facebook, Twitter, at Instagram, yet sobrang saya ni Alex, patunay na it doesn’t have to be bongga as long as you’re with the right person. Kusang magpo-flow ang happiness.

Iba talaga pag true love! Full support naman ang family and friends ni Alex, ang ate niyang si Toni Gonzaga, si Mommy Pinty, at si Daddy Bonoy.

Congratulations to Alex and Mikee! Makakapag-travel na kayo overseas ng walang Mommy Pinty na magbabantay.

GABBY CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with