Dingdong nakapamigay ng 1,000 relief packs
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 19, 2020 - 12:00am

Isa si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa nagbigay ng tulong sa ating mga kababayan na apektado ng Taal Volcano eruption. Kaya idinaan niya sa kanyang Instagram wall ang kanyang pasasalamat: “because of your generosity and with the help of the Philippine Navy and Philippine Marines – led by BGen Ariel Caculitan PNRC – we were able to donate 1000 relief packs to evacuation centers in Bala­yan, Batangas, namely, Pastoral Center, Canda, Tanggoy and Patugo.”

Binanggit din ni Dingdong kung ano ang laman ng mga ginamit nilang reusable bags (hindi plastic bags), may ibinigay din silang more than 2000 pieces of clothes at 708 kg’s of rice noong Monday, January 13, sa tulong ng Philippine Red Cross at ng Military. 

Naikuwento rin ni Dingdong nang makausap namin sa pictorial ng Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun, nagpasalamat din siya kay Rocco Nacino, na kasama niya sa cast ng serye at member ng Philippine Navy, na sumama sa distribution nila ng kanyang Yes Pinoy Foundation (YPF). Isang army reservist naman si Dingdong.

“Saka nakatutuwa rin na ang bilis dumating ang mga donations dahil sa social media, gamit ang mga accounts ng YPF,” sabi ni Dingdong. “Kaya hindi namin akalain makabuo kami ng 1000 bags. Noong araw ng distribution, hinati namin sa apat na evacuation centers sa Balayan.”

Madaling nakahingi ng tulong si Dingdong sa military para samahan silang nag-distribute ng relief goods, dahil sa nabuo nilang samahan sa kanila nang ilang araw silang nag-training kasama ang mga sundalo tulad ng characters na ginagampanan nila sa serye na malapit nang mapanood simula next month, February.

Magiging anak nina Luane at Carlo, hinahanapan din ng Jose

Naka-maternity leave na pala si Kapuso Unang Hirit at Eat Bulaga host na si Luane Dy, na nalaman namin nang makausap ang husband niyang si Carlo Gonzales, sa pictorial nila ng Descendants of the Sun.

Nag-propose noong May, 2019 si Carlo kay Luane sa Disneyland, Anaheim, California. Then nagpa-civil wedding sila at plano nila talagang magpakasal ng December 2020. Six months preggy na si Luane at date of delivery nito ay sa last week of April or first week of May, 2020. Baby boy ang first child nila at wala pa raw silang napagkakasunduang ipapangalan sa kanilang baby.

“Basta sa aming family (first cousins sina Carlo at Dingdong Dantes), kapag boy, may ‘Jose’ sa una at kapag girl, may ‘Maria’,” kuwento ni Carlo. “So naghahanap muna kami, mayroon na kasing Jose Carlo III.”

Tuloy pa rin ang church wedding nila ni Luane sa December, 2020 sa St. Therese Church.

Sa serye, si Carlo ay si Val, isang rebel na magpapagulo sa buhay ng Alpha Team group nina Dingdong. Kasama niya sa grupo sina Neil Ryan Sese at Ian Ignacio.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with