Jiro hindi kinaawaan nang makulong
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 19, 2020 - 12:00am

Alam mo, Salve A., mas marami ang hindi nakikisimpatiya sa actor na si Jiro Manio kung anuman ang nangyayari sa kanyang buhay ngayon dahil ayaw niyang tulungan ang kanyang sarili na bumangon at magbago.

Nakakulong ngayon ang dating child actor dahil sa ginawa nitong pananaksak sa isang lalaking nagngangalang Zeus Doctolero sa isang carenderia in Marikina nung nakaraang Biyernes ng gabi.  Frustrated homicide ang ikinaso sa kanya.

Taong 2011 nang unang ma-rehab ang Filipino-Japanese actor dahil sa droga at 2015 naman siyang namataang pagala-gala sa NAIA 3 na parang wala sa kanyang sarili hanggang sagipin at tulungan siya ng comedy queen na si AiAi delas Alas na muling nagdala sa kanya sa rehab.

Pero matapos tulungan at magsakripisyo si AiAi para kay Jiro ay lumabas ito ng rehab at tinalikuran ang tulong sa kanya ng singer-comedienne. Since then ay wala na umanong balita pa si AiAi kay Jiro na merong dalawang anak na parehong babae sa kanyang dating kinakasama.

Ngayong nakakulong si Jiro, sino ang tutulong sa kanya?

Tikisin na kaya siya ni AiAi sa pagkakataong ito matapos niyang bale-walain ang tulong at malakasakit sa kanya ng komedyana?

Bela noon pa alam ang kasal ni JC

Ngayon namin lubos na nauunawaan ang pahayag dati ni Bela Padilla sa isang intimate presscon ng Miracle in Cell No. 7 na malabo umanong maging sila ni JC Santos dahil meron na palang asawa ang aktor at malapit nang ma­ging tatay. Pero ang maganda kina Bela at JC ay nanatili silang malapit na magkaibigan lalupa’t pangatlong tambalan na nila ang pelikulang Of Vodka, Beers and Regrets matapos ang hit movies nila together, ang 100 Tula Para Kay Estela at The Day After Valentines na parehong sinulat at dinirek ni Jason Laxamana under Viva Films at parehong naging kalahok sa first two Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) filmfest.

Marami ang nagulat sa pag-amin ni JC na may asawa at malapit na silang magkaanak ng kanyang wife dahil kahit kailan ay never niya itong nabanggit in his past interviews.“Wala naman nagtanong sa akin,” katwiran niya.

At 31, sinabi ni JC na handang-handa na umano siyang maging tatay at bumuo ng pamilya.

Allen Dizon ayaw i-give up ang showbiz kahit mas malaki ang kita sa pagbebenta ng used luxury cars

Nakakabilib ang award-winning actor na si Allen Dizon na kahit hindi siya maituturing na big actor, marunong ito sa buhay at magaling na negosyante na hindi alam ng publiko. Katunayan, isa na ring producer si Allen at meron itong ilang negosyo sa San Fernando, Pampanga kung saan sila naka-base ng kanyang pamilya.

Noon pa man ay nagba-buy and sell na si Allen ng used luxury cars na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya. Ang kanyang kinikita bilang actor maging sa buy and sell ng mga sasakyan ang naging daan para magkaroon sila ng sila ng franchise ng KFC sa San Fernando, Pampanga. Ngayong Abril ay bubuksan naman ang sarili niyang franchise ng Gerry’s Grill.

Tumigil man sa pag-aartista si Allen ay kaya niyang buhayin nang maayos ang kanyang pamilya pero first love umano niya ang acting kaya mahihirapan siyang talikuran ito lalupa’t ito ang dahilan kung bakit nakapag-ipon na siya ng 37 Best Actor at Best Supporting Awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies at iba’t ibang international film festivals kasama na rito ang kanyang recent win bilang Best Actor sa 2019 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Mindanao na humakot ng 11 major awards.

JIRO MANIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with