^
Wala ring time sa babae Andre ayaw madamay kina Nadine at James!

Wala ring time sa babae Andre ayaw madamay kina Nadine at James!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 19, 2020 - 12:00am

Sobrang excited na si Dingdong Dantes na maipalabas na ang Pinoy version ng hit Korean drama na Descendants of The Sun na pinagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado.

Sey nga niya nang makatsikahan namin siya last Friday sa cast pictorial, matagal na rin nilang hinihintay ang airing nito which is set this February na.

Matatandaang last year pa nila ito sinimulang gawin at marami-rami na nga rin silang naite-tape.

When asked kung may pressure ba, sey niya, “noong una, siyempre, matindi talaga. Pero kinailangang kalimutan ko ‘yun, kasi gusto ko, sa pagganap ng role, magkaroon ng parang fresh na take du’n sa character.”

Sinunod naman daw talaga nila ang main story ng original pero may ginawa raw silang kaunting tweaking sa version nila.

“May kaunting tweaks to make it Filipino, so upon tweaking, siyempre, magkakaroon ka ng ibang interpretation diyan,” he said.

Dahil sa sobrang successful ng original version, napakaraming iconic scenes sa serye na siyempre ay ginawa rin nila. At talagang pinag-uusapan daw nilang mabuti ng direktor na si Dominic Zapata bago nila gawin.

Tulad na nga lamang daw ng helicopter scene na isa sa mga paborito niyang iconic scenes. Nakunan na raw ang scene na ‘yun pero may isa siyang favorite pa na hindi nakukunan at ito ay ‘yung eksenang sumayaw sila sa harap ng mga K-pop girls.

As we all know, ginagampanan ni Dong sa serye ang role na Capt. Lucas or Big Boss habang si Jen naman si Dra. Maxine o Beauty.

Ito ang unang pagtatambal nila ni Jen sa tinagal-tagal ng pagiging Kapuso nila. Ang nakakatuwa nga, nasaksihan mismo ni Dong ang pagsisimula ng aktres dahil siya ang host ng Starstruck 1 kung saan nga una itong napanood at nanalong Ultimate Female Survivor.

Sa nasabing cast pictorial pa rin ng DOTS ay nakausap din namin si Andre Paras na gumaganap naman bilang Dr. Ralph Vergara na isa sa medical team ni Beauty.

New look si Andre dahil nagpa-shave siya ng kanyang beard para sa kanyang role na lalong bumagay sa kanya. Ang last teleserye pa pala niya sa GMA-7 ay Pamilya Roces noong 2018 kaya sobrang happy siya na napasama siya sa Pinoy version ng hit Korean drama na ito.

For this series ay nag-training pa si Andre kasama ang iba pang cast ng medical team.

Natanong namin kay Andre ang tungkol sa issue ng hiwalayan ng mga kaibigan niyang sina James Reid at Nadine Lustre at sagot ng aktor, hindi na lang daw nila pinapansin iyon dahil alam nila ang totoo.

“Dedma lang. Alam naman namin ang totoo, that’s the important thing, so dedma lang. Kasi, pag pinansin ko or like, naman ako kasama sa kung anumang nangyayari, baka madamay lang ako.

“But of course, as long as alam namin ‘yung totoo...”

So, ano ang totoo na ‘yun?

“Basta, alam ko,” matipid na sagot ni Dre.

So, hindi totoo?

“Basta kung anumang negative ang lumalabas, hindi totoo. Alam nila ang totoo, alam namin ang totoo, and as friends, I support them and I have their backs as friends and as family na rin, kasi matagal na kaming magkasama,” sagot ng aktor.

Pagdating naman sa kanyang love life, aniya ay single pa rin siya and by choice raw ito talaga dahil gusto niyang mag-focus sa career.

“I’m single and happy. Focus muna rito sa show, sa career muna. Kailangan ko pang mag-mature siguro, at the same time, magkaroon ng oras.

“Kasi ang oras ko ngayon is for basketball, tapos, sa work ko, so hindi ko alam kung saan ko ipapasok ‘yung love life as of now. So, habang bata, ipon lang nang ipon,” he said.

Natanong nga namin kung wala ba siyang nakukursunadahan among co-Kapuso artists at aniya, wala nga raw siya talagang time para makipag-meet sa ibang kaibigan niya.

Siguro raw, in the future, kapag hindi na siya masyadong busy.

Bukod kasi sa pagiging artista ay graduating din si Andre sa AMA Online Education sa kursong Bachelor of English Studies and he’s also a varsity player sa school playing for D-League.

ANDRE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with