Hindi nagka-inlaban JC at Bela solid na ang friendship
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

Masaya ang mediacon ng bagong movie na muling pagtatambalan ng magka-love team na sina JC Santos at Bela Padilla, ang On Vodka, Beers, and Regrets. Una silang pinag-usapan as a love team nang magkasama sila sa 100 Tula Para Kay Stella na isa sa pinanood nang ipalabas ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Nagustuhan at hinangaan ang kanilang love team kaya naman muli silang pinagtambal noong 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino sa The Day After Valentine’s.

Sa dalawang pelikula, parehong brokenhearted sila sa finale. Kaya ang tanong, sa pangatlo nilang pagtatambal, magiging sila na kaya? 

Nang mabasa na raw ni Bela ang script na sinulat din ni Director Irene Emma Villamor, tinawagan daw ni Bela si JC “baka gusto mong gawin ito?”

“Ako naman, sagot ko kay Bela, kahit sampung movie pa ang gawin natin na tayo ang magkatambal, payag ako,” sagot ni JC. “Ang team-up namin ay nabuo ang isang friendship, kaming tatlo nina Direk Irene, madalas kaming lumalabas na tatlo. Sa shooting, nagtutulungan kami ni Bela sa mga eksena.”

Kung may non-showbiz wife na si JC for one year at magkakaanak na, loveless naman si Bela dahil tanggap siya nang tanggap ng trabaho kaya wala siyang time na maligawan.

Ang On Vodka, Beers, and Regrets ay produced ng Viva Films at mapapanood na in cinemas nationwide simula sa February 5.

Max, ayaw huminto sa pagkayod kahit lumalaki na ang tiyan

Suportado si Kapuso actress Max Collins ng kapwa Kapuso actor husband niyang si Pancho Magno.  Ilang months nang preggy si Max sa first baby nila ni Pancho, pero ayaw pa rin niyang huminto ng pagtatrabaho.  Biro ngang sagot ni Max sa isang interview sa kung kailan siya magma-maternity leave, “hanggang kaya ko pang magtrabaho, kahit manganganak na ako, tuloy pa rin ako sa work ko.”

Kasama kasi si Max sa isang romantic-comedy series na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday kung saan gaganap siyang young Snooky Serna na magiging nanay ni Barbie Forteza. Malapit-lapit na itong mapanood sa GMA primetime telebabad, bago matapos ng Enero, 2020.  Kasama rin nila rito sina Dina Bonnevie at Kate Valdez with the special participation of Lovi Poe as the young Dina, na mother naman ni Kate.

Tinanggap din ni Max ang special episode ng Magpakailanman na magtatampok sa kanila ni Pancho bilang mag-asawa.

Ang Kabit na Walang Mukha (The Hector and Minda Bagulbagul Story) ang episode nila na idinirek ni Neal del Rosario.  Masaya at mapayapa ang relasyon nilang mag-asawa nang makaranas ng isang sakuna at kinailangang mag-abroad si Hector. Doon niya nakilala ang isang professional scammer na kinuha ang kaniyang loob para sa maitim nitong balak.

Mapapanood ang Magpakailanman ngayong gabi, January 18, 8:30 PM, pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

BELA PADILLA JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with