Anne
Anne laging naka-face mask kahit sa loob ng bahay
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

Nag-share si Anne Curtis sa development ng kanyang pagbubuntis via social media.

Dahil malapit na rin ang due date niya, kinuwento ni Anne na ramdam na niya at nakikita niya ang leg, knee and foot ng kanyang baby girl kapag sumisipa ito at umiikot sa kanyang tiyan.

Nahihirapan na rin daw minsan huminga si Anne lalo na kapag magalaw daw ang kanyang baby sa tiyan niya.

Naging maingat din si Anne sa kalusugan niya at ng kanyang baby sa pagsuot ng face mask kahit nasa loob ito ng kanilang bahay. Iwas daw ito sa pag-inhale ng volcanic ash.

“Praying for all of those who have been affected by the Taal Volcano eruption in the Philippines yesterday. Hope everyone ­li­ving close by were able to evacuate in time. Please take all necessary health precautions as instructed by the LGU’s for yours and your family’s safety. Stay indoors if you must.. I heard the ashfall reached various parts of the metro last night and it can be quite hazardous to your health. Swipe to see how you can properly take care of yourselves and family.

Please don’t forget your fur babies too,” post pa ni Anne sa IG.

GMA reporter pinagtawanan ang katabaan ng Angkas rider

Naging biktima pala ng body shaming ang GMA News reporter na si Saleema Refram ng isang Angkas Rider.

Ayon kay Refram, tinawag daw siya ng rider ng Angkas na “mataba”, “overweight’ at “obese”.

Ginawa pa raw na example ng bastos na Angkas rider si Refram na mga pasahero na hindi kayang dalhin ng kanilang motorbikes.

Heto ang pinost ni Refram sa kanyang Facebook account:

“While doing the story on Angkas’ weight policy, I was repeatedly body shamed by one of their riders. He called me “Mataba”, “Overweight” and “Obese”. Pinakyaw na halos lahat ni kuya.

“He even wanted to use me as “sample” on how smaller bikes cannot handle bigger passengers. Tawa pa siya nang tawa. “Hindi ko na natiis. Sinagot ko.

“Opo, mataba ako pero hindi ako dapat pagtawanan.

“I have no issue with the policy as it is meant to partner passengers with riders using bigger bikes. I have for the longest time struggled with my weight.

“Pero hindi ko nga naman pwedeng sabihin kay kuya na I lost nearly 50lbs in the last 2 years. Only eating twice even once a day. Limiting my carbs. Going to the gym every week.

“May mga tao talagang kukutyain ka because they think being fat is a laughing matter.

“To riders who will refuse passengers because of their weight, wag nyo naman pong kutyain or alipustahin. Wag nyo naman pong pagtawanan. Tao rin po kami.

“Di ko na ininterview yung Kuya. Mababait at matitino po yung mga rider na na-interview ko after.”

Nakakuha ng simpatiya si Refram mula sa maraming netizens at yung iba ay nag-share ng kanilang experience sa mga bastos at nanghihiya na Angkas riders.

Bihirang gawin Julia Roberts idinisplay ang asawa

Bihirang mag-post ang Hollywood star na si Julia Roberts ng photo kasama ang kanyang husband na si Daniel Moder.

Pero noong nakaraang Miyerkules ay kasama ng 52-year old actress ang kanyang better half sa 2020 CORE Gala at Hollywood’s Wiltern Theater.

Kitang-kita ang happiness sa mukha ni Julia na kasama niya sa red carpet ang kanyang mister na bihirang samahan siya. Guwapung-guwapo nga ang mister ni Julia wearing a black suit at walang kupas pa rin ang pagiging Pretty Woman ni Julia wearing a matching green-and-blue plaid skirt and jacket, which she paired with fishnet tights and black, lace-up heels.

May 18 years nang kasal sina Julia at Daniel. They tied the knot in 2002. They have three children: Henry and twins Hazel and Phinneaus.

Um-attend din sa event sina Leonardo DiCaprio, Alyssa Milano, G-Eazy, Connie Britton, Naomi Campbell, Rachel Zoe, Jason Derulo, Patricia Arquette and others who helped raised $5 million for charity.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with