Alex at Toni
Toni sa abroad ang birthday blowout!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

Aalis pa-Singapore ngayong araw na ito si Toni Gonzaga kasama ang mister na si Paul Soriano, anak na si Seve, pati ang parents niyang sina Bonoy at Pinty Gonzaga, pati ang kapatid na si Alex Gonzaga.

Selebrasyon ba ‘yon dahil engaged na si Alex sa boyfriend of more three years na si Mikee Morada?

“Alis kami lahat tomorrow for Singapore,” text ni Mommy Pinty.

Actually, treat daw ‘yon ni Toni sa kanyang pamilya dahil birthday niya sa January 20. Bale magti-36 na siya.

Samantala, inusisa ko si Mommy Pinty kung tanggap ba nila ang engagement nina Alex at Mikee? “I’m happy for both of them because we like Mikee for Alex!” text ni Mommy Pinty.

Naloka lang ako nang usisahin ni Mommy Pinty kung sino ako? Bago raw kasi ang cellphone niya at hindi naka-register ang number ko.

Ipinaliwanag naman ni Mommy Pinty na na-snatch-an daw kasi siya ng bag. “Kasama sa bag ang cellphone ko, sorry,” paliwanag ni Mommy Pinty.

How sad naman ng pagkaka-snatch ng bag ni Mommy Pinty, huh!

‘Yun na!

Snooky at Dina nagkasakitan sa taping

Naku, Ateng Salve, totohanan ang sabunutan at sampalan nina Snooky Serna at Dina Bonnevie sa bagong primetime series ng GMA 7, ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, pero walang umaaray sa dalawang aktres dahil pinag-usapan nila ‘yon.

Sabi ni Snooky, masakit kung sa masakit ang fight scene nila ni Dina, pero kahit totohanan ‘yon, pinag-usapan naman daw kasi nila ito bago kinunan ang nasabing eksena.

So, hindi basta nauwi ‘yon sa totohanan. May approval ang bawat isa sa kanila.

Mas maganda raw kasi kung realistic ang eksenang ‘yon. Mas totoo, mas maganda!

“After the scene, tawa kami nang tawa,” sabi ni Snooky.

Isang fight scene pa lang daw ang nakukunan sa kanila ni Dina at may isa pa siyang aktres na nakasampalan at nakasabunutan din sa nasabing new Kapuso primetime series.

“Exciting ito!” sabi pa ni Snooky tungkol sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na magsisimulang umere sa January 27.

Sina Barbie Forteza at Kate Valdez ang mga bida sa nasabing Kapuso primetime series.

Flashback, noong 1992 ay nagkaroon ng issue kay Snooky at sa noon ay baguhang si Janine Barredo dahil sa fight scene nila sa pelikulang Yakapin Mo Akong Muli.

Nasaktan si Snooky sa fight scene nila ni Janine at pinagpiyestahan ang issue na ‘yon sa kanila.

ALEX GONZAGA TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with