Bianca
Ruru at Bianca lantaran ang pagtatampisaw sa beach
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

Nag-beach sa La Union sina Ruru Madrid at Bianca Umali at kahit malayo ang kuha, alam na si Bianca ang nasa litrato na pinost ni Ruru na tumatakbo. Kasama pa ni Bianca sa picture ang pet dog nito.

Sorry na lang sa mga gustong mag-comment dahil disabled ang comment box ng Instagram (IG) ni Ruru.

Speaking of Ruru, hindi si Bianca, kung hindi sina Sanya Lopez at Kim Domingo ang makakasama sa bago niyang teleserye sa GMA-7 na Lolong. Kasama ang teleserye sa pina-plug ng GMA-7 ng mga aabangang shows ng Kapuso viewers sa 2020.

Si Bianca naman, wala pa tayong nababalitaang bagong teleserye niya, pero sisimulan na raw nito ang taping ng Halfworlds, ang mini-series na gagawin niya sa HBO Asia sa direction ni Mikhail Red. Nagti-training na raw si Bianca para rito at isa sa makakasama niya ay ang Viva Artist Agency artist na si Sam Concepcion.

Ogie at Ian may concert sa mars!

Magsasama pala sa isang concert sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion sa Billed Gravititos at may subtitle na Mission to Mars. Sa March 2020 ang schedule ng concert, nag-pictorial na ang dalawa, pero wala pang ibang details.

Curious ang followers nina Ogie at Ian sa title, eh si Ogie pa lang daw naman ang tito dahil si Ian ay mid-40 pa lang ang edad.

Kakaiba ang poster ng concert nina Ogie at Ian, para silang astronauts at nakasuot pa ng spacesuit at pati sa ulo, suot din ang mga ginagamit ng astronauts. Ano kaya ang repertoire nila, puro patungkol sa space?

Gladys tinotoo ang mga sampal kay Thea!

“Gising na si Elizabeth” ang bungad ni Gladys Reyes sa mga reporter na bumisita sa taping ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Madrasta. Ang tinutukoy na Elizabeth ni Gladys ay ang karakter niya sa teleserye na matagal catatonic, hindi makapagsalita at nakahiga lang o kaya’y nasa wheelchair.

Pero habang nakahiga siya o kaya’y nasa wheelchair, doon dumanas ng mara­ming hirap si Elizabeth sa kamay ni Katharine (Thea Tolentino).

Biro ni Gladys, mabuti na lang at sa mga naunang eksena, nakaganti na siya kay Thea, nasampal na niya ito. Totohanang sampal ang ibinigay niya sa young actress at nakarami ito ng sampal sa kanya na ikinabilib ni Gladys.

Masaya ring ibinalita ni Gladys na naka-dalawang extension na ang Madrasta at pwede pa sanang pahabain, kaya lang, nakalatag na yata ang ipapalit na hindi alam ni Gladys kung ano.

For 2020, looking forward si Gladys na mabigyan pa siya ng projects at gusto pa niyang gumawa ng teleserye, pero may cut off pa rin siya. Hanggang 2am., lang siya puwedeng mag-taping. Bagay na ibinibigay ng GMA-7, kaya nagpapasalamat siya.

BIANCA UMALI RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with