^

Pang Movies

Restaurant ni Alden biglang tanggap ng donations!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Restaurant ni Alden biglang tanggap ng donations!
Alden

Matapos silang ma-bash ni Maine

Grabe talaga ang bashers. Dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal, marami talagang nangangailangan ng tulong na mga kababayan nating naging biktima ng kalamidad sa Taal at mga karatig na bayan.

Si Alden Richards ang isa sa celebrities na nakatanggap ng bashings dahil sa posts niya sa Instagram noong nasa Tokyo, Japan pa siya. Pero nakabalik si Alden noong Sunday morning, bago naganap ang unang pagsabog ng bulkan noong hapon. But still, inakusahan siya na huwag siyang pabida. Magpapabida pa ba siya, eh isa siya sa apektado dahil nasa Tagaytay ang kanyang restaurants. Pero hindi siya nagkait magbigay ng tulong, personal man ang paghingi sa kanya o monetary donations. Hindi nga lamang niya ipinaalam ito sa media.

Isang AlDub blogger tuloy and dumipensa sa kanya na nagsabing kagagaling lamang nila last Thursday sa Taal at namigay sila ng donations mula sa perang ibinigay nina Alden at Maine Mendoza. Ibinilin daw ng dalawa na huwag na lamang i-announce pero dahil nga sa bashings na inaabot nina Alden at Maine, sinabi niyang ang perang ipinambili nila ng donations ay galing sa dalawa. 

Tanong nga niya sa mga nam-bash, sila kaya ay nakapagbigay man lamang kahit anong tulong?

Kahapon, Friday, naka-schedule silang pumunta sa Talisay, Batangas para magbigay ng donations nila.

Ang Concha’s Garden Cafe din ni Alden ay tumatanggap ng donations para sa victims ng Taal Volcano Eruptions. Yung mga taga-Metro Manila, puwede nilang dalhin ang donations nila sa Concha’s Garden Cafe sa Sct. Madrinan, Quezon City.

Rachelle naengganyo na rin ang asawang tumira sa London

Pagkatapos mag-perform ang international stage actress na si Rachelle Ann Go as Eliza sa stage play na Hamilton sa West End, bumalik muna siya sa Pilipinas, to be with her family. Pero babalik siya muli sa London, to perform anew sa stage play na Les Miserables.

Sa interview ni Rachelle sa Chika Minute sa pagbalik niya sa London, hindi lamang siya magpi-perform on stage, magiging wife na rin siya sa asawang si Mark Spies, isang US businessman.

“I’m excited, kasi nag-migrate na rin si Mark sa London,” sabi ni Shin. “At bumili na rin kami ng house doon. Approved naman niya at nagustuhan ang napili kong bahay na binili namin. I’m really very thankful na we will live na together in London.”

Pero bago umalis si Shin, may Valentine concert muna siya sa Marriott Grand Ballroom, Resorts World Manila on February 14, 2020, titled Rachelle Ann Go – The Homecoming na she will be bringing home the broadway and west-end experience to Manila. Direction by Paul Basinilio, Musical direction by Marc Lopez together with the Manila Philharmonic Orchestra.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with