^

Pang Movies

Julia tuloy na ang pagbalik-showbiz!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julia tuloy na ang pagbalik-showbiz!
Julia

Tiyak na matutuwa ang fans and supporters ng Kapamilya star na si Julia Montes dahil matapos ang mahigit isang taon na wala itong ginawang bagong project ay magiging abalang muli ang actress sa taong ito.

Si Julia ay huling napanood sa afternoon action-drama series na Asintado na nagtapos nung October 2018 since then ay pansamantala siyang nawala dahil bukod sa ito’y nagbakasyon sa Germany kung saan naka-base ang kanyang biological German father na si Martin Schnittka at pamilya nito, napabalita ring nagsilang umano si Julia ng baby in March or April last year at si Coco Martin ang itinurong ama umano ng bata. Pero walang pag-amin o denial na nagmula sa rumored sweethearts.

Julia is sporting a short hair ngayong bagong taon at sa kanyang pagiging abalang muli sa showbiz.

Julia is turning 25 on March 19 habang si Coco ay 38 lamang last November 1 na binati pa ni Julia sa kanyang Instragram account. At sa pamamagitan din ng social media account ni Julia ay tumulong siyang i-promote ang Metro Manila Film Festival 2019 movie ni Coco na 3pol Trobol: Huli Ka Balbon na pumangatlo sa nagtapos na filmfest.

Although nagsimulang ma-link sa isa’t isa sina Coco at Julia matapos magsama ang dalawa sa kanilang hit primetime TV series na Walang Hanggan na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon, hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon at sa napabalitang panganganak umano ni Julia nung isang taon.

Christian, Aicelle at Mark, nag-produce ng sariling concert  

Ang magkakaibigang Kapuso singers na sina Christian Bautista, Aicelle Santos at Mark Bautista  ang siyang producers ng kanilang pre-Valentine concert sa The Theatre at Solaire on February 1, 2020 (Saturday) sa ganap na ika-8 ng gabi na pinamagatang 1 for 3 na nakatakdang idirek ng singer-turned director na si Paolo Valenciano with Mel Villena as musical director.

Ayon sa tatlo, nagsimula lamang sa biruan na nauwi sa totohanan ang kanilang pagsasama-sama sa isang concert na first time nilang tatlo gagawin although maraming beses nang nagkasama sa ibang concerts sina Christian at Mark minus Aicelle.

Nasa gitna last year ng kanyang wedding preparations sa kanyang mister na ngayon na si Mark Zambrano si Aicelle nang simulan nila nina Christian at Mark ang brainstorming ng kanilang concert kung saan din nila kasama si Paolo. 

Since silang tatlo ang producers, wala umano silang tatanggaping talent fee for the concert at gagastos pa sila sa lahat ng production cost plus other expenses related sa concert.

Ayon sa concert director na si Paolo (panganay na anak ng mag-asawang Gary Valeciano at Angeli Pangilinan-Valenciano), nakakatuwa umano ang involvement at commitment ng tatlong singers-performers sa kanilang nalalapit na concert at kasama na rito ang konsepto ng show na magkakatulong nilang binuo.

 Bukod sa singing and acting, pare-pareho ring stage actors ang tatlo. Ang tatlo ay bahagi rin ng bagong simulang Sunday musical show ng GMA, ang All-Out Sundays .

Si Mark ang nag-compose ng theme song ng kanilang concert na pinamagatang Simula na kakantahin din nila sa kanilang 1 for 3 concert on February 1 sa The Theatre at Solaire.

Piolo mas gustong tumambay sa resthouse

Dapat sana’y magkakaroon ng special birthday presentation si Piolo Pascual last Sunday  sa ASAP Natin ‘To kung saan siya mainstay pero absent ito sa programa dahil minabuti nitong salubungin ang kanyang actual birthday (January 12) sa kanyang ipinatayong mala-mansion na resthouse in Batangas kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Napakalaki ng resthouse na ipinatayo ni Piolo na may almost-Olympic size na swimming pool and overlooking sa dagat.

Kapag libre ang oras ni Piolo ay doon siya naglalagi para makapagpahinga.

Sa kanyang resthouse sinalubong ni Piolo ang pagsabog ng Bulkang Taal sa araw mismo ng kanyang kaarawan nung linggo, January 12.

Sinabi ni Piolo na pahinga muna siya sa paggawa ng teleserye pero magi­ging busy siya sa paggawa ng pelikula this year both as an actor and producer.

Samantala, hindi pa rin sigurado kung matutuloy this year ang balik-tambalan nila ni Claudine Barretto under Star Cinema pero tapos nang gawin ni Piolo ang unang tambalan nila ni Alessandra de Rossi sa Fluffy and Fream kung saan si Alex din mismo ang writer-director at producer.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with