Bianca
Bianca mag-uumpisa na sa pagiging engkanto!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 16, 2020 - 12:00am

Maganda ang pasok ng year 2020 kay Kapuso young actress Bianca Umali. Matapos i-offer sa kanya ng HBO Asia na magbida sa Season 3 ng Halfworlds, magsisimula na siyang mag-taping nito. Ididirek ni Mikhail Red ang Halfworlds, a dark action fantasy series. Produced ito ng HBO Asia in partnership with Cignal TV.

Gagampanan ni Bianca ang role ng isang half-human and half-Engkanto na maghahanap ng isang halaman na makakagamot sa mga Engkanto na uhaw sa human flesh. Ang halamang ito ay pag-aawayan ng Engkanto tribes.

Ayon sa media release ng HBO Asia, ang third season ng Halfworlds ay isu-shoot sa “neon streets of Bangkok to the gun-stricken streets of Manila, where thirsty mythical creatures known as Engkantos live out in the open amongst humans.”

Makakasama ni Bianca, playing the lead roles si Sam Concepcion. Babalik din sa third season ang ilang cast na napanood na sa previous seasons, at isu-shoot ang kabuuan nito sa Pilipinas.

Ang Halfworlds ang longest-running original series na napanood simula pa noong November 29, 2015. Tumanggap na sila ng awards mula sa Asian TV Awards in 2016 at sa Apollo Awards in 2016 and 2017.

Cherie Gil walang inaayawang trabaho

Ang mahusay na actress/primera kontrabida na si Ms. Cherie Gil, ay mahal ang pag-arte, kaya wala raw siyang tinatanggihang role, big or small roles, bida man o kontrabida siya, kaya hindi siya tumanggi sa offer ni Director Mark Reyes na mag-guest sa action-drama series na Beautiful Justice kahit nasa last two weeks na lamang ito mapapanood sa GMA-7.

Mamayang gabi papasok ang character ni Cherie bilang si Diorella kaya pahulaan sa netizens kung ano ang role niya, kakampi ba siya o kalaban? May dalawa na kasing kontrabida sa serye sina Bing Loyzaga at Derrick Monasterio.  

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with