Angel
Angel hinihiritang i-appoint sa DSWD!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

Pagiging Darna umaariba na naman

Pinasalamatan ng netizens si Angel Locsin na aligaga na naman sa paghahanda para makatulong sa mga naapektuhan ng pag-aalsa ng Taal volcano sa Batangas.

As in kinukumpara na naman si Angel Locsin kay Darna at sa ibang pulitiko na imbes na tumulong daw ay puro lang pagso-social media ang ginagawa.

“Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong baranggays at ilang families per baranggay? Thank you,” ang tweet ni Angel kahapon.

Marami naman agad nag-reply sa actress na naunang sinabi na pahinga muna siya sa teleserye para sa paghahanda sa kanilang kasal ng movie producer na si Neil Arce this year.

Hindi na bago kay Angel ang ganitong gawain, kung tutuusin.

Walang pinalampas na kalamidad si Angel - lindol, baha, giyera, etc. andiyan siya lagi para sa mga biktima.

Kaya ang clamor ng fans, kumandidato na raw si Angel o kaya ay i-appoint sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) ni Pangulong Duterte.

Judges ng America’s Got Talent nawindang kay Marcelito Pomoy

Namangha ang buong Amerika sa ating kababayang singer na si Marcelito Pomoy.

Wow, talagang hindi sila makapaniwala na merong ganung singer na isang lalaki pero kayang mag-duet gamit ang sariling boses babae.

Windang ang mga judge na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Alesha Dixon at Howie Mandel.

“That was so unique, you are a beautiful, wonderful singer with a young woman trap inside of you,” sabi ng judge na si Mandel.

“That was what I call a 10, a simple as that. I have a feeling that the super fans will put you through to the next round,” sabi naman ng judge na si Cowell.

Pati ang superfans ng show mula sa 50 states of the United States ay ipinanalo siya dahil sa pagiging crazy and unique na ginawa niya.

Umiiyak ang asawa ni Marcelito na sinamahan pa siyang umakyat sa stage bago siya umawit ng The Prayer na pasok na sa semi finals ng AGT.

Kabubukas lang, Ka Tunying’s na-ashfall agad

Naapektuhan agad ng pagwawala ng Taal volcano ang bagong bukas na Ka Tunying’s restaurant sa Tagaytay ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna.

Late last year lang sila nagbukas kaya hindi pa man sila nakaka-buwelo, inulan na sila ng ashfall mula sa bulkan sa Batangas.

Mabilis naman agad nilang nalinis. 

Flex ko lang yung mga kasama namin sa Ka Tunyings Tagaytay. Kahit andun sana sila sa kani-kanilang pamilya... Isang tawag ko lang, sugod agad sa puwesto para maghanda, mag-asikaso at magluto para makatulong. Nabiktima rin kami ng Pagsabog ng bulkang Taal. Pero mas masuwerte kami kumpara sa iba. Sarado lang kami. Nawalan lang ng benta. Naglinis lang ng ashfall. Pero walang nasaktan kahit nawala ang hanapbuhay ng mga tao temporarily. Babangon kami. Tulad ng iba pang nabiktima. Kung paano tayo nalugmok, sabay din tayong babangon. Kaya natin ito mga Kapamilya, mga Kapatid! At sa ibabaw ng lahat, tuloy lang ang pagtitiwala natin sa Panginoong Diyos na Siyang tunay na mag-aahon sa atin sa kahit gaano kabigat na karanasan.,” flex ni Ka Tunying sa kanyang IG account.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with