Joshua
Bagong gawang bahay nila Joshua nabiktima ng Taal Volcano
Vir Gonzales (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naku, Salve, mabuti na lang at Sabado kami naghatid sa anak ko sa airport, dahil kung nagkataong linggo, nakakatakot masaksihan ang pag-alburoto ng bulkang Taal at pagbuhos ng ulan na may kasamang buhangin.

Naalala tuloy namin si Joshua Garcia na taga-Batangas at ang aktres na si Andrea Del Rosario na isang vice mayor sa Batangas. Sana naman ay okay lang sila sa nangyari.

Naalala rin namin si Vilma Santos na ilang taon nang nagsisilbi sa bayan ng Lipa, Batangas.

Abby Viduya binonggahan ang libing sa AP!

Marami ang nakapansin na parang sobrang bongga naman daw ata ng burol at libing ng karakter ni Abby Viduya sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kababalik lang ni Abby sa small screen pero pinatay na siya agad. Marahil ay may bago siyang project na gagawin.

Samantala, masaya sila ni Jomari Yllana sa kanilang pagbabalikan. Matatandaang sangkot ang huli sa isyung pag-abandona sa mga anak nito at sa dating kinakasama, pero mabuti naman at humupa na ito.

Tirso walang pahinga

Hindi makapaniwala si Tirso Cruz III sa pagkakasunud-sunod ng kanyang mga proyekto.

Una ay ang The General’s Daughter ni Angel Locsin kung saan gumanap siya bilang kontrabida. Sumunod naman ay ang seryeng Starla ni Judy Ann Santos, pero bago pa man ito ay nauna na niyang i-shoot ang pelikulang Miracle In Cell No.7 ni Aga Muhlach na entry sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2019 na tumabo sa takilya at tumalo sa The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Dapat nga ay may pelikula rin siyang gagawin bukod sa Miracle…, ito ay ang Isa Pang Bahaghari na pinagbibidahan ni Nora Aunor. Dapat din ay kasama nila rito si Christopher de Leon, pero tumanggi na siya rito dahil sa conflict sa schedule.

Ganunpaman, masaya siya sa lahat ng proyekto at nagpapasalamat siya rito.

Mga artista kulang sa dasal?!

Marami na marahil ang matututong manalangin ngayon at magsimba, lalo na sa mga taga-showbiz, dahil sa mga delubyong nangyayari ngayon.

Sa nangyaring pag-alburoto ng bulkang Taal, marami sa mga artista na may property at business ang naapektuhan ng makapal na ashfall dahil malapit ito mismo sa lokasyon ng bulkang Taal.

Maraming flights, tapings at shootings din ang nakansela dahil dito.

Na tiyak ang katapat, panalangin sa Panginoon.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to Sen. Ralph Recto, Piolo Pascual, Nap Alip, Ruby Anna, Lyn D. Amour, Tet Antiquierra, Mark Anthony Fernandez, Lucky Manzano at John Henry Gonzales.                                                                                                        

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with