Gerald
Gerald nahirapang maging sundalo
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

Sayang naman Salve A., at kahapon (Tuesday, January 14) pala sana ang red carpet premiere sa Dolphy Theater ng soon-to-be released series na A Soldier’s Heart nina Gerald Anderson, Elmo Magalona, Yves Flores, Vin Abrenica, Nash Aguas, Jerome Ponce at Carlo Aquino.

Kasama rin nila si Sue Ramirez na kasali rin sa nasabing serye at nag-iisang babaeng gaganap na sundalo. Pero hindi natuloy ang event, dahil sa ‘di inaasahang pag-alburoto ng bulkang Taal na kung saan ang ashfall na pinasabog nito ay umabot sa Manila.

Of A Soldier’s Heart, all participants had to submit themselves to rigid military training para magampanan nila ang kanilang respective roles, objectively at effectively.

“Hindi madali ang maging sundalo,” ani Gerald. “Dapat, nasa puso mo ang hangaring makapaglingkod sa bayan at sa iyong kapwa bago mo yakapin ang propesyong ito.

“Kaya we need to salute those in the military, dahil hangarin nilang mapagsilbihan tayo. Not to say the entire nation as a whole.”

A Soldier’s Heart is directed by Richard Somes. Ito ang papalit sa seryeng The Killer Bride ni Maja Salvador na hanggang sa Friday na lamang mapapanood.

Joshua at Janella malabong makatotohanan

Of The Killer Bride, Maja has proven that she has improved tremendously as an actress.

This is not to say, na ‘di naging agaw-pansin ang performances ng iba pang members ng cast, lalo na si Lara Quigaman, who proved sa later part ng serye, that she can be an effective kontrabida.

Very impressive siya in her role as the other member of the Dela Torre family na si Alice, who is determined to take revenge from Camilla (Maja) dahil sa ginawa nito sa lala­king mahal niya na ginampanan ni Cris Villanueva.

Magaling din ang ibang member ng casts tulad nina Geoff Eigenmann, Joshua Garcia at Janella Salvador.

Sayang at bagay sina Joshua at Janella sa totoong buhay. Sabi nga ni Maja, “I would have loved to see them together in real life.”

Well, no need for Janella to articulate, pero obvious naman ang ‘something’ nila ni Markus Paterson, isa ring Kapamilya talent.

Coco at Angelica movie handang-handa na!

May playdate na pala ang first movie nina Coco Martin at Angelica Panganiban na Love Or Money na idinirek ni Direk Mae Cruz-Alviar.

Ang nasabing pelikula ang second movie na ginawa ni Direk Mae after niyang magdesisyon na bumalik na sa pagdidirek matapos ang kanilang pagpapakasal ng kanyang mister. Sa U.S. sila nanirahan sa loob ng apat na taon.

Ang kanyang comeback film ay ang Unbreakable nina Angelica, Bea Alonzo, Richard Gutierrez at Ian Veneracion.

Love or Money and Unbreakable is produced by Star Cinema.

Reunion ng KathNiel, Tanging Mahal!

Ang title naman ng serye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa kanilang reunion sa small screen ay Tanging Mahal.

Wala pang tiyak na announcement kung sino ang magdidirek nito at kung sinu-sino ang kanilang makakasama.

Huling napanood ang dalawa sa big screen sa pelikulang The How’s Of Us na idinirek ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Currently referred to as the Box-office Queen si Kathryn dahil sa huli niyang pelikulang tumabo sa takilya, ang Hello, Love, Goodbye kung saan katambal niya si Alden Richards, ay mahigit isang bilyon diumano ang kinita.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with