Rey Valera
Rey Valera naoperahan nang magdikit-dikit ang bituka
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

Akala ay susunod na kay Rico Puno

Inamin ni Rey Valera sa presscon nila kahapon ni Joey Generoso para sa The Acoustic Playlist concert sa Palacio de Maynila on February 7, na naisip niya last year na baka “the end” na niya.

Dapat kasi ay kasama last year si Rey sa concert tour sa Amerika nina Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga at Marco Sison, pero biglang na-confine sa hospital ang singer/composer ng Maging Sino Ka Man dahil sa paglobo ng tiyan.

Nagbiro pa nga siya na naisip niya na baka masira ang kanyang abs, pero seryosong sinabi niya na hindi na nga siya nakauwi after ng check-up dahil nagduda ang kanyang mga doktor na baka may bukol siya sa bituka.

Nagdikit-dikit daw ang kanyang mga bituka, kaya kinailangan niyang operahan.

Sabi nga ni Rey, akala niya noong una ay susunod na siya sa kaibigang si Rico J. Puno na ilang buwan pa lang na yumayao.

Pero suwerte naman at naka-survive siya at ngayon ay ok na rin.

“Pero minsan, bigla akong napapahawak kapag nakakaram­dam ako ng biglang panghihina,” sabi ni Rey.

Samantala, nilinaw ni Rey na ang February 7 concert nila ni Joey ay simula lang dahil may US concert tour sila simula sa May 1.

Sure na sure na raw na tuloy ‘yon at inamin na last year ay nagbalik siya ng P2.5-M na talent fee, pero hindi niya pinanghihinayangan ‘yon dahil buhay naman siya.

Sharon nagbabawi ng pahinga

Ayon kay Nancy Yang na part ng Team Sharon, ok na ang pakiramdam ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Medyo nagpapahinga lang daw si Sharon dahil sa pagkaka-irritate ng mata ng Megastar.

Nakausap na raw ni Nancy si Sharon at nothing to worry na.

“Hindi pa lang kami nakakapag-usap ng matagal dahil nagbabawi ng pahinga si Mega,” sey ni Nancy.

‘Yun na!

Sarah nakabalik na sa mag-aama

Si Richard Gutierrez at ang mga anak na sina Zion at Kai sa NAIA 3 kahapon.

Sinundo nila si Sarah Lahbati na nakabalik na kahapon ng bansa.

Sobrang missed ng mag-aama si Sarah na stranded sa Hong Kong for two days dahil sa pag-aalburoto ng Taal Volcano.

REY VALERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with