Tonton, parang ‘di tumatanda
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

Take It… effective na stress buster!

Halos mag-iisang taon na pala ang aming online show kaya maraming salamat sa lahat ng friends ng Take It... Per Minute! (Me Ganun).

Parang habit na namin na every Tuesday nang tanghali 12 to 1 pm ang tsikahan namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa Take It…Per Minute (Me Ganun).

Para sa akin, stress buster nating lahat Salve ang aming online show na isang oras na napapanood tuwing Martes.

At kapag masyadong nakakatawa ang topic, nag-o-overtime pa kami. Ngayong Bagong Taon, sana magkaroon ng products display sa Take It...Per Minute ang aming friends tulad ng Beautéderm ni Rhea Tan, MegaSoft ni Aileen Go, UltraMega ni Mang Erning Lim, IVI Meth at Barley plus Vitamin Cee ni Vanni Patillas at Mayette.

Pumasok din sana ang Flawless ni Rubby Co­yuito, ang Bizaare ni Victor So at ang Coffee Project na nagbigay suporta rin sa atin.

Kahapon ay nauna na ang Beautederm at bongga ang giveways ni Rei Tan na walang duda na mayamang-mayaman sa giveaways.

At naging guest namin si Tonton Gutierrez na hindi ko pa lahat naibuko ang mga ex niya noh.

Naku next week tandaan niya ‘yan, may continuation ang kuwento ko tungkol sa kanya.

Hahaha.

Isa si Tonton sa pinaka-masipag na ambassador ng Beautederm for Men na effective sa kanya ha.

Kaya tingnan n’yo naman ang hitsura ni Tonton. Ayaw ni Glydel Mercado. Hahaha.

Matteo abala sa pagtulong

Kasama pala si Matteo Guidicelli sa mga celebrity na nagbigay ng tulong sa mga kababayan natin sa Batangas na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Nakunan ng picture si Matteo na suot ang kanyang Philippine army uniform habang kumukuha sila ng kanyang mga kasama ng mga supply sa isang membership superstore na dadalhin nila sa Taal Volcano eruption victims.

In all fairness, kakabilib si Matteo dahil tinutupad niya ang kanyang sinumpaan na tungkulin bilang reserve officer ng Philippine Army.

Magandang halimbawa si Matteo sa mga kabataan dahil ipinapakita niya talaga ang pagmamahal sa bayan at hindi lamang pang-press release ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan.

Willie nag-ikot sa ere habang nag-aalburoto ang Taal Volcano

Medyo risky pala ang ginawa ni Willie Revillame nang kunan nito ng mga video ang pagputok ng Taal Volcano noong Linggo, January 12.

Kuwento ni Cristy, nagkataon daw na nagpa-practice si Willie ng pagpapalipad ng kanyang helicopter nang magsimula ang pag-aalburoto ng Taal Volcano kaya kitang-kita nito ang buong pangyayari.

Isang daring act ang ginawa ni Willie ha dahil pinalipad nito ang helicopter nang medyo malapit sa bulkan.

Hindi naman daw siya kinabahan dahil naging maingat sila ng kanyang co-pilot sa helicopter.

Bongga si Willie dahil siya ang may-hawak ng exclusive video na kuha mula sa helicopter ng pagputok ng Taal Volcano.

Naku Willie ha. Kahit pa nakunan mo yan ng video ipadala mo pa rin ‘yung regalo mo sa amin noh.

At sana nga, manahimik na ang Taal Volcano at huwag nang maulit ang nangyari noon na tumagal ng halos pitong buwan ang pag-aalburoto niya.

TONTON GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with