Antoinette may sariling charitable group na
Joe Barrameda (Pang-masa) - January 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Finally ay natupad na rin ang matagal nang pinapangarap ni Barbie Forteza, ang makatambal ang ultimate crush niyang si Dennis Trillo sa isang project.

Noon pa man ay open na open na si Barbie na crush niya ang beteranong aktor at ‘yun nga, natupad na.

Tagumpay naman ang ratings ng Daig Kayo Ng Lola Ko, Sa Ilalim Ng Buwan na kasalukuyang pinapalabas ngayon.

Sa episode ngayong Linggo muling nasilayan ng viewers ang kapana-panabik na pagbabalik ni Lola Goreng (Gloria Romero) na matagal nilang na-miss na mapanood sa programa. Ito ang second week ni tita Glo sa Daig…

Samantala, naging habit na ng Kapuso viewers ang panonood tuwing Linggo ng gabi sa award-winning infotainment program ng GMA-7 na Amazing Earth hosted by Primetime King Dingdong Dantes.

Wagi rin sa TV ratings ang episode kung saan napanood ang guesting ni Antoinette Taus na isa na ngayong full-pledged humanitarian. Bukod sa kanilang kaabang-abang na reunion sa telebisyon, curious din ang mga manonood kung ano na nga na ang pinagkakaabalahan ni Antoinette.

Masayang ibinahagi nito kay Dingdong ang pagtataguyod ng sarili niyang organization na ipinangalan niya sa kanyang yumaong ina na may layuning tumulong sa mga nangangailangan.

Pinuri naman ng netizens ang nakakatuwang pagsasama muli ng dalawa on-screen, maging ang inspiring story ng dalaga.  

DENNIS TRILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with