^

Pang Movies

Bakasyon ni Alden sa Japan ginastusan ng fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nasa Japan si Alden Richards for a vacation kasama ang ilang members ng Aldenatics supporters. Bongga ang grupong ito dahil natatandaan namin, last year sa birthday ni Alden, sa Hong Kong nila dinala ang aktor. This year, sa 28th birthday ni Alden, sa Japan naman nila ito pinagbakasyon.

Actually, mahal magparamdam ng pagmamahal ang fans ni Alden dahil bukod sa Japan vacation, may LED birthday greetings din sa kanya in four different locations, from mid-morning to 6pm., at mahal ‘yun.

Ang ibang grupo naman ng fans, may mga pa-dinner at invited pati cast ng The Gift at sa taping pa ng teleserye ni Alden ginawa at tiyak, may mga susunod pang pa piging para sa aktor.

Samantala, bagong pasok pa lang ang taon, hectic pa rin ang schedule niya, maraming pupuntahan at sa January 16, 2020 nga,nasa Kalibo, Aklan siya para sa Ati-Atihan. Sa Jan. 25, nasa GenSan Convention and Events Center siya para sa Neozep.

Nabasa rin namin na may event ang AlDub fans nila ni Maine Mendoza sa Jan. 18, so tuloy pa rin ang AlDub. Pupunta naman siguro sina Alden at Maine para makisaya sa AlDub fans.

Mark napalampas ang pagiging Aladdin sa broadway

Nanghina si Mark Bautista na-late niyang nabasa ang isang e-mail. Na-consider pala siyang kapalit sa role ni Aladdin sa Broadway. Heto ang e-mail kay Mark.

“Hello,

I am writing with appointments for a possible future replacement for the principal role of Aladdin in the Broadway company of Disney’s Aladdin.

“Wednesday, January 8th 3:30pm-Mark Bautista. This will be a work session with casting at 1pm and then we will have him return at 2pm for the full team. He should plan to stay with us until 2:30pm.

Location: Pearl Studios, 500 8th Ave., 12th Floor , NYC.”

Post ni Mark: “WHY OH WHY!! Just opened this email now (January 10). Nanghina ako...(#Aladdin Dream).”

Ang kasalanan ni Mark, dalawa ang e-mail address niya at ang isa lang siguro ang madalas niyang buksan at gamitin. Tuloy, pati mga kaibigan niya nanghina­yang sa chance na maging part siya ng Aladdin. May mga nag-suggest na subukan niyang makipag-communicate sa nag-email sa kanya at muli siyang i-consider na sabi nito, ginagawa na niya, kaso lang, hindi pa siya sinasagot.

May nagbiro namang ang sabihin niyang alibi ay na-trapik sa EDSA kaya hindi agad siya nakasagot sa email. Tiyak namang papayagan si Mark ng GMA-7 na mag-leave muna sa All-Out Sundays kung saan isa siya sa performers sakaling makapasok siya sa Aladdin.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with