Dennis at Jennylyn hindi pa rin pinagbigyan ng bagong teleserye!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 12, 2020 - 12:00am

Bigong muli ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na magkatambal ang dalawa sa isang teleserye after ng My Faithful Husband, in 2015. Pagkatapos noon ay iba-iba na ang nakatambal ni Dennis. Pero nauna rito ay ang paggawa niya ng controversial series, tulad ng My Husband’s Lover with Tom Rodriguez and Carla Abellana na pinag-usapan noon dahil ito ang first gay themed drama series na ipinalabas sa TV in 2013.

At ngayon, isa pa ulit na serye ang gagawin ni Dennis, titled Legal Wives, na isa sa upcoming teleserye ng GMA Network sa pagsi-celebrate nila ng 70th anniversary sa Bagong Dekada. 

Sa ngayon, wala pa silang sinasabi kung sinu-sino ang gaganap na legal wives ni Dennis. Maging kontrobersyal ba muli ito?

Samantala, malapit nang mapanood sa primetime telebabad ng GMA ang Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun next month, sa February, 2020, na magtatampok kay Jennylyn, at first team-up nila ni Dingdong Dantes.

Kaya ang fans nina Dennis at Jennylyn, ready nang suportahan ang kanilang mga idolo sa first concert nila together, ang CoLove ang post-Valentine concert nila sa New Frontier Theater sa February 15.

Tonight naman, muling mapapanood si Dennis sa second Sunday episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko titled Sa Ilalim ng Buwan na first team-up nila ni Barbie Forteza. Mapapanood ito pagkatapos ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes.

Derek at Andrea mag-aaction na magkasama!

After ng matinding romansahan ng mag-sweetheart na Derek Ramsay at Andrea Torres sa first TV team-up nila ang The Better Woman, sasabak naman sila ngayon sa action-drama series, ang Sanggang Dikit na isa sa upcoming series ng GMA Network.

Marami nang nagawang action series si Derek noong nasa TV5 pa siya at hindi naman problema sa kanya dahil sporty naman si Derek at sumasali siya sa mga sports here and abroad, na kasama si Andrea.

Hindi rin naman bago sa sexy dramatic actress na si Andrea ang paggawa ng action series. Dalawang beses silang nagtambal ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood 1 & 2 kung saan nagpakita si Andrea ng husay niya doing action scenes. At ngayong sila naman ni Derek ang gagawa ng action series.

As to their lovelife, very open sina Derek at Andrea. Sa interview sa Chika Minute kung kasunod na ba nito ay kasalan na. Sagot nila, concentrate muna sila sa gagawin nilang project pero napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal, ngayon pa ba na libre nang gawin ito ni Derek dahil null and void na ang first marriage niya?

DENNIS TRILLO JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with