^

Pang Movies

Oprah Winfrey tinanggi ang pakikisawsaw sa desisyon nina Prince Harry at Meghan Markle

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinabulaanan ni Oprah Winfrey na may kinalaman siya sa pag-step back nila Prince Harry at Meghan Markle sa kanilang royal duties.

Ayon sa isang source, sa show raw ni Oprah na SuperSoul Sunday, ina-advise raw niya ang Royal Couple to “break free” from the royals at lumipat sila sa Canada.

Close si Oprah sa Duke and Duchess of Sussex, pero wala raw siyang karapatan na makialam sa mga desisyon nila sa buhay.

In a statement to NBC, Oprah insisted that she was not behind it.

Naglabas naman ng statement ang Buckingham Palace sa pagkalas nila Harry at Meghan sa kanilang royal duties at ang hangad nilang maging “financially independent”.

Barbie Kapuso Primetime Princess na!

Officially ay may title na ang Kapuso star na si Barbie Forteza. Ito ay ang title na Kapuso Primetime Princess.

Matagal na palang tinatanggihan ni Barbie ang naturang titulo dahil pakiramdam niya ay hindi pa niya deserve ang magkaroon ng ganung titulo.

Pero dahil sa sunud-sunod na mga top-rating teleserye niya sa GMA-7 for the past ten years, tinanggap na ni Barbie ang naturang titulo.

“To be completely honest, medyo matagal na ako sa showbiz. Pinost ko nga sa Instagram na isang dekada na ako sa industriya. ‘Yung sampung taon ko na ‘yon, with GMA.

“Talagang laking pasasalamat ko dahil sobra ‘yung tiwala na binibigay nila sa ‘kin. Para sa isang artista, lalo na ako, bagets, kumpara sa iba, baguhan pa lang din naman ako, pero kinonsider nila ako and binigyan ng title.

“Para sa isang artista na mabigyan ka ng title, ibig sabihin established ka and kahit papaano may napatunayan ka na. Na-deserve mo ‘yung title na ‘yon.

“Feeling ko naman para bigyan ako ng title, I earned it, I worked hard for it.”

Sa kanyang Instagram, ito ang pinost ni Barbie: “Endless gratitude. MARAMING SALAMAT PO. My heart is very happy. After a decade with GMA Network, I am finally proud to say that I AM the Kapuso Primetime Princess.”

vuukle comment

OPRAH WINFREY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with