_pang-masa
^

Pang Movies

Nagpiyansa ng P30K, Yeng ligtas na sa pagkakulong

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nagpiyansa ng P30K, Yeng ligtas na sa pagkakulong
Yeng

I’m sure marami nang magiging maingat sa pagra-rant sa social media.

Nasampulan ng kasong Cyber Libel ang singer and MMFF Best Supporting Actress winner (for the movie Write About Love) na si Yeng Constantino.

Naglabas nga ng arrest order ang Provincial Prosector’s Office ng Surigao del Norte pero agad namang nakabayad ng bail ang abogado ni Yeng na si Atty. Joji Alonzo.

“Our client, Ms. Yeng Constantino-Asuncion, has posted bail and an Order approving the same has just been signed,”  sabi ni Atty. Joji nang i-text ko at hingan ng statement.

“We reiterate that our client has yet to receive a copy of the complaint filed before the Provincial Prosector’s Office of Surigao del Norte, for the alleged violation of Sec 4 (c) (4) of RA 10175 in relation to Article 355 of the Revised Penal Code or ‘cyber libel,” dagdag ng sikat na abogada.

Bukod doon ay ayaw na nitong magbigay ng iba pang detalye.

Kinasuhan ang singer ng Cyber Libel ni Dr. Esterlina Tan na inakusahan ng singer/actress ng pagpapabaya nang maaksidente ang kanyang asawang si Yan Asuncion habang nagbabakasyon sila sa Siargao. Si Dr. Tan ang OIC chief ng Siargao District Hospital.

Nagkaroon diumano ng sandaling memory loss ang mister nitong singer din na hindi agad nabigyan ng medical attention pagkatapos maaksidente nang mag-dive.

 Agad ini-upload ni Yeng ang kanyang ‘galit’ noong July sa social media at ipinakita ang picture ng doktora na grabe ang naging backlash at inakusahan siya ng ‘doctor-shaming.’

Anyway, usung-uso pa naman ngayon ang cyber bullying na parang pakiramdam ng iba ay normal na bagay na lang at hindi iniisip ang epekto nito.

YENG CONSTANTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with