_pang-masa
^

Pang Movies

Tala ni Sarah sa ASAP mas sumikat pa!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Tala ni Sarah sa ASAP mas sumikat pa!
Sarah

Iba ka talaga, Sarah G.! Pumalo ng more than 2.8 million views at 26K shares ang Facebook video ng Asia’s Popstar Royalty na si Sarah Geronimo performing her hit song Tala na na-release way back 2016 pa, pero ngayon lang ulit mas nakilala nang makiindak ang impersonator ni Sarah at ng LGBT Community na agad namang niyang binigyan ng pasasalamat dahil sa pagsikat pa lalo ng kanyang kanta.

Kaya naman hataw din ang ratings ng ASAP Natin ‘To last Sunday sa Tala Grand Festival kung saan tampok ang ilang mga artista and personalities na nakisayaw sa Tala Dance Challenge.

Trending din ito with the hashtags #TalaNation at #ASAPNatinTo sa Twitter and other social media sites.

Grabe! Iba talaga ang effect ng Tala, siguro sawa na raw ang mga tao sa mga birit-birit. Ganoon! Pero nakakabilib lang at napakahusay pa rin talaga ni Sarah sa pagkanta at pagsayaw, a total performer ika nga nila. Walang kakupas-kupas! Tunay na napakasuwerte sa kanya ni Matteo Guidicelli!

Isang young star hinulaang mabubuntis

Na-realease na ang 2020 horoscope prediction for the 12 Zodiac Signs at ayon sa isang sikat na astrologer, isang young star daw ang mabubuntis.

Aabangan ko ‘yan! Aba, huwag lang sana niya ipa-abort. At para raw ‘wag malasin ngayong taon ay iwasan sumimangot at matutong kontrolin ang galit dahil malakas daw maka-attract ng negative energy ‘yun! Nawa’y maging maayos ang taon na ito para sa ating lahat. Yun lang.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with