^

Pang Movies

Engrandeng kasal nina Sarah-Matteo, Angel-Neil at Richard-Sarah unang highlight sa 2020

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Bukod sa inaasahang grand church wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, inabangan din ng publiko ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Angel Locsin at Neil Arce na pinaghahandaan na ngayon ng engaged couple. 

Pero hindi pa nagbibigay ng detalye kung saan at kung kelan ito mangyayari at kung sinu-sino ang bubuo ng kanilang wedding entourage.

Sa March 14 this year naman mangyayari ang isa pang grand wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na nakatakdang i-cover ng ABS-CBN for everyone to see it.  Since may TV coverage at gagawing TV special, hindi rin papayag ang ina ni Richard na si Annabelle Rama na maging simple at ordinary lamang ang kasal ng kanyang favorite son na si Richard kay Sarah kung saan may apo na sila ng husband niyang si Eddie Gutierrez na sina Zion at Kai.

Kim at Jerald parehong buwenas sa career

Nasa iisang bubong (Viva Artists Agency) na pareho ang magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles kaya madali na silang pagsamahin sa mga projects.

Matapos mag-hit sa takilya ang solo launching movie ni Kim last year, ang Jowable kung saan may special guest appearance si Jerald, planong pagsamahin ng Viva Films ang dalawa sa isang rom-com movie na nakatakdang idirek ni Daryl Ong.

May iba pang directorial jobs ang young writer-director na si Daryl sa bakuran ng Viva at ang isa rito ay balak isumite ng Viva sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival na magaganap on April 11 – 21, 2020.

Sina Kim at Jerald ay parehong bahagi na rin ng longest-running action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Si Kim ay kasama rin sa panghapong palabas na Kadenang Ginto.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with