Aga hindi na naalis sa pagiging no. 1 sa MMFF
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 7, 2020 - 12:00am

Ngayong Tuesday, January 7, magtatapos ang 45th Metro Manila Film Festival sa cinemas nationwide.  Maaari rin namang may ilang pelikula pang mai-extend ang showing sa ilang sinehan.

Kahit unofficial ang latest box-office report mula sa walong official entries na naglaban-laban simula pa noong Christmas day, December 25, nangunguna pa rin ang entry ng Viva Films na Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach.

Narito ang unofficial box-office report as of January 4, 2020:

Miracle in Cell No. 7 – P350 million; The Mall The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis – P 304 million; 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon nina Coco Martin, AiAi delas Alas at Jennylyn Mercado – P85 million; Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza – P 70 million; Sunod ni Carmina Villarroel – P20 million; Mindanao ni Judy Ann Santos – P 15 million; Write About Love nina Rocco Nacino at Miles Ocampo – P 5 million at Culion ni Iza Calzado – P 4 million.

Sa pagtatapos ngayon ng MMFF, tiyak na maglalabas na rin ng official box-office report ang Executive Committee, at sana ay mas tumaas pa ang income nila after ng January 4.

AOS pilot episode 30 minutes ang opening

Nasa 30 Kapuso stars pala ang bumuo sa pilot episode ng bagong noontime show ng GMA Network, ang All-Out Sundays last Sunday, sa Studio 7. 

Napuno ng fans ng iba’t ibang Kapuso stars, ang studio na walang sawang tumili kapag lumalabas ang mga paborito nilang artista.

Opening number pa lamang ay inabot na ito ng almost 30 minutes dahil non-stop ang paglabas ng mga artista sa iba’t ibang production number, sa pangu­nguna nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Mark Bautista, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Ken Chan, Rita Daniela, Legaspi Twin Mavy and Cassy, mga Clashers na sina Jeremiah Tiangco, Jennifer Maravilla, Antonett Tismo, Golden Canedo, Thea Asthley, Garrett Bolden at StarStruck winners Kim de Leon and Shayne Sava.

Si Miggy Tanchangco ang director ng All-Out Sundays and he promises na mas marami pa silang sorpresa at malalaking production numbers na ipakikita sa show na mapapanood from 12:00 noon to 2:30 pm every Sunday.

Gabbi gustong magka-romcom

Hindi ikinaila ni Gabbi Garcia na malapit nang magtapos ang drama-action series nilang Beautiful Justice with Yasmien Kurdi at Bea Binene na first time niyang nakatrabaho pero naging very close sila sa taping.  Sama-sama raw kasi sila sa training bilang PDEA agents kaya natuto silang humawak at magpaputok ng baril.

Kaya wish ni Gabbi this 2020, makagawa naman siya ng light romantic-comedy series, dahil napansin niyang since nagsimula siya sa GMA Network, laging mga seryoso ang project  na naibibigay sa kanya.  Gusto rin niyang makagawa muli ng movie.

Ang Beautiful Justice ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with