^

Kapayapaan kailangang ipagdasal

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 7, 2020 - 12:00am

Parang nakakatakot ang nangyayari sa pagitan ng Iran at ng USA, Salve.

Kung hahantong sa small war ang iringan ng dalawang bansa, tiyak na apektado din ang Pilipinas dahil marami ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Iran at sure na tataas ang presyo ng langis.

Hindi lamang ang Iran  ang magi­ging affected  dahil posibleng madamay ang mga kalapit na bansa tulad ng Iraq, Pakistan at iba pa.

Maayos sana ang problema para hindi mag-escalate at lumaki dahil marami ang maaapektuhan. Ayaw natin na lumaki ang gulo na sinasabi na baka maging simula ng World War III. Pray tayo please, peace on earth, and goodwill to men.

Virus, bushfire at tension sa Middle East, nakakabahala!

Kaloka ang pneumonia outbreak sa China na kinatatakutan na baka makarating sa Pilipinas.

Ingat na ingat ngayon ang Department of Health sa mga pasahero na galing sa China na pupunta sa Pilipinas dahil baka madala nila sa bansa natin ang virus.

Ano ba ‘yan, sunud-sunod ang mga isyu sa iba’t ibang panig ng mundo. Kasasabi ko pa lang na mukhang maganda ang pasok ng 2020 pero problema ang bushfires sa Australia at ngayon, ang bagong virus na manggaga­ling sa China.

Idagdag pa ang mainit na sitwasyon sa Middle East, wow na wow talaga ang opening salvo ng 2020.

Nakakatakot isipin ang mga pangyayari pero alam natin na walang ibibigay si God na hindi natin kakayanin. Sabi nga, baka tapik lang ‘yan sa balikat natin, knee jer­king para medyo magising tayo nang kaunti. Basta kapit lang tayo sa kanya, we will prevail. Amen.

Jillian idinenay na may dyowa na

Nasubaybayan natin ang pagdadalaga ni Jillian Ward dahil nag-umpisa ang kanyang showbiz career bilang child actress nang magbida siya sa Trudis Liit.

Fifteen years-old na ngayon si Jillian na habang nagdadalaga, lalong gumaganda at dahil bata pa nang mag-artista, hanggang ngayon, bata pa rin ang tingin natin sa kanya kaya parang mahirap tanggapin ang mga balita na may manliligaw na siya na hindi naman nakapagtataka.

Ang former child actor na si Will Ashley na co-star niya sa Prima Donna ang napapabalita na boyfriend ni Jillian.

Seventeen years-old si Will at 15-years-old si Jillian kaya parang napakabata pa nila para pumasok sa relasyon.

Mabuti na lang, nag-deny na si Will at sana, true ang kanilang denial. Sinabi ni Will na friends lamang sila ni Jillian at hindi totoo na may relasyon na sila.

Normal lang sa mga bagets na magkaroon ng mga crush o puppy love pero sana, mag-focus muna sina Will at Jillian sa kanilang pag-aaral at career. Napakabata pa nila, malayo pa ang kanilang mararating, lalo na kung dedma muna sila sa mga serious relationship. Malaki ang maitutulong ng mga magulang nina Jillian at Will para magkaroon ang kanilang mga anak ng magandang kinabukasan.

PEACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with